Musika
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon


62

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

May tapang

1. May mga k’wento do’n sa Aklat ni Mormon,

Na tungkol sa Lamanita noong panahon.

Sa kan’lang ninuno, ang lupang ito’y bigay,

Kung sila ay matwid mamuhay.

2. May ibang nakita ang mga Lamanita,

Na nagtungo do’n upang sila’y mapalaya.

Sabi sa Aklat, sa ’tin lupang ito’y bigay,

Kung tayo ay matwid mamuhay.

3. Rebelde si Alma, nilabanan ang tama.

‘Sang araw ‘sang anghel niliwanag sa kanya.

Sa harap ng kapatid, s’ya’y nagpakumbaba.

Matwid s’yang nagturo sa lupa.

4. Tandaan Abinadi, s’ya ay nanindigan.

Di alintana tanikala sa katawan.

Itanggi ebanghelyo’t s’ya ay pawawalan.

Namatay s’yang tapat sa katwiran.

5. Sa mga Lamanita si Ammon nagsilbi.

Mga tupang si Haring Lamoni may-ari.

Buong tapang nilabanan ang magnanakaw.

Natuto ng matwid na buhay.

6. Dalawang libong anak ng D’yos ay lumaban.

Hukbo ay nagtungo humarap sa labanan.

Paniwala’y Cristong Poon kanilang bantay.

Natuto ng matwid na buhay.

7. Lamanitang Samuel, sa pader ay umakyat,

Babala sa mga tao’y magsising lahat.

Di tamaan ng sibat D’yos ang pumatnubay,

Nagturo nang matwid sa buhay.

8. (Mabagal at mapitagan)

Namatay si Cristo para sa ating lahat,

Bumalik katotohana’y ’tinurong sapat.

Buong pag-ibig binasbasan bawat bata.

At matwid namuhay sa lupa.

Titik at himig: Elizabeth Fetzer Bates, 1909–1999. © 1969 IRI

Opsiyonal na mga berso: Nancy K. Daines Carter, p. 1935. © 1986, 1989 IRI

Joseph Smith—Kasaysayan 1:34

Ang mga Saligan ng Pananampalataya 1:8