1. Buhay ay magiging maligaya;
Kung laging pipili ng tama.
Turo ni Cristo’y natututunan;
Gabay tungo sa tamang daan.
[Chorus]
Tamang landas, ay piliin.
Ligaya ay kakamtin.
2. Ebanghelyo sa ’ki’y nagtuturo;
Magdasal, manalig nang husto.
Kapag turo N’ya’y susundin t’wina,
Bawat araw, ligaya’y dama.
[Chorus]
Tamang landas, ay piliin.
Ligaya ay kakamtin.