1. Kasaysayan ng mag-anak
ay aking sasaliksikin.
Pag-ibig ang s’yang nararamdaman
t’wing ’to ay gagawin.
Buhay ng ninuno’y nababatid
at isinusulat.
Aking pangangalagaan,
Aming kasaysayan.
2. Maibubuklod sa ’kin ang mga
buhay at pumanaw.
At silang lahat makikita ko
pagdating ng araw.
O, anong saya, ang sambit nila,
“Tayo’y isang angkan.
Akin ka’t ako’y sa ’yo na
Magpawalang hanggan.”