1. Ang sabi ng sapa,
“Magbigay, magbigay!”
Habang umaagos,
“Magbigay,” ang wika n’ya.
“Kahit munti saan man magtungo
Ang halama’y tutubo.
[Chorus]
Aawit buong araw,
“Magbigay, o! magbigay!”
Aawit buong araw,
“Laging magbigay.”
2. Ang sabi ng ulan,
“Magbigay, magbigay!”
Habang pumapatak,
“Magbigay,” ang wika n’ya;
“Ang bawat madiligang bulaklak
May sigla at may galak.”
[Chorus]
Aawit buong araw,
“Magbigay, o! magbigay!”
Aawit buong araw,
“Laging magbigay.”
3. Tularan si Jesus,
“Magbigay, magbigay!”
Ang bawat nilalang
ay may maibibigay;
Tulad ng sapa at ng bulaklak:
Sa Diyos alay ang buhay.
[Chorus]
Aawit buong araw,
“Magbigay, o! magbigay!”
Aawit buong araw,
“Laging magbigay.”
Titik: Fanny J. Crosby, 1820–1915
Himig: William B. Bradbury, 1816–1868. Isin. © 1989 IRI