Paano mailalahad ng Diyos ang pag-ibig?
Sinugo ang kanyang Anak, banal at payapa.
Paano maihahayag ang tamang landas sa ’tin?
Anak n’ya’y ’pinagkaloob bilang gabay natin.
Pa’no N’ya ituturo, pagpapakasakit?
Para sa ’tin, Kanyang Anak, yumao’t nabuhay.
Anong hinihiling sa ’tin? Ano ang tagubilin?
Tularan ang Kanyang Anak, Ang kapwa’y mahalin.
Kanyang bilin: Siya ay sundin.