42
Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo
Madamdamin
1. Aking nadarama,
Ang pag-ibig ni Cristo
Sa bawat bagay na
Aking nakikita.
[Chorus]
S’ya ay aking susundin.
Buhay ko’y alay rin.
Aking nadarama
Pag-ibig n’ya sa akin.
2. Aking nadarama,
Kanyang paglingap sa ’kin
At pag nagdarasal,
Puso ko’y payapa.
[Chorus]
S’ya ay aking susundin.
Buhay ko’y alay rin.
Aking nadarama
Pag-ibig n’ya sa akin.
3. Aking nadarama
Na S’ya’y magbibiyaya.
Ang puso ko’y alay
S’ya’y lagi kong gabay.
[Chorus]
S’ya ay aking susundin.
Buhay ko’y alay rin.
Aking nadarama
Pag-ibig n’ya sa akin.
4. Ibabahagi ko
Ang pag-ibig ni Cristo.
At sa kapwa tao,
Maglilingkod ako.
[Chorus]
S’ya ay aking susundin.
Buhay ko’y alay rin.
Aking nadarama
Pag-ibig n’ya sa akin.
Titik: Ralph Rodgers, Jr., 1936–1996; K. Newell Dayley, p. 1939; at Laurie Huffman, p. 1948
Himig: K. Newell Dayley, p. 1939
© 1978, 1979 ni Newell K. Dayley. Ginamit nang may pahintulot. Ang lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.