91 Sana Ako’y Makapagmisyon May paninindigan 1. Sana ako’y makapagmisyon ’Pag lumaki na rin ako. Sana’y maging handang tumulong Magturo tulad ng mga misyonero. 2. Sana’y aking maibahagi Ang ebanghelyo sa iba. Nais kong maging ’sang misyonero, Maglingkod na habang ako ay bata pa. Ang pagsaliw ay maaaring tugtugin nang dalawahan. Ang himig ay maaaring tugtugin sa mga oktaba, at ang baho ay maaaring hatiin para sa dalawahang kamay. Titik at Himig: Newel Kay Brown, p. 1932. © 1969 IRI Doktrina at mga Tipan 133:8, 37