108a ’Nay, Mahal ko po Kayo May pagmamahal 1. Mahal ko kayo, Inay. Ang bawat n’yong ngiti Ay kaysayang makita, Sa tahanan palagi. 2. Mahal ko kayo, Inay. Kislap ng ’nyong mata Ay katulad ng talang Naro’n sa kalangitan. 3. Mahal ko kayo, Inay. Magsisikap ako, At sa Ama sa Langit Ay palaging susunod. Titik: Maud Belnap Kimball, 1889–1971 Himig: Mildred Tanner Pettit, 1895–1977. Isin. © 1989 IRI Exodo 20:12