1. Anong gagawin mo sa tag-araw, ’pag mundo’y luntian?
Mangingisda ka ba o mangangarap habang ulap ay dumaraan?
[Chorus]
’Yan ba’ng gagawin? Ako rin!
2. Anong gagawin mo sa tag-araw, ’pag mundo’y luntian?
Ikaw ba’y lalangoy o magduduyan do’n sa puno sa halamanan?
[Chorus]
’Yan ba’ng gagawin? Ako rin!
3. Anong gagawin mo sa tag-araw, ’pag mundo’y luntian?
Magmamartsa ka ba, magpapalamig, o magbibilang ng bituin?
[Chorus]
’Yan ba’ng gagawin? Ako rin!
Titik at himig: Dorothy S. Andersen, 1927–2020.
© 1964 ni Dorothy S. Andersen. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.