118
Papkorn sa Sanga
May paglalaro
Pagdungaw ko sa labas ng bintana,
Papkorn sa sanga, aking nakita!
Sa t’wing tagsibol ay kayganda,
Bumubukadkad lahat sila.
Kaya kong ipunin isang bungkos,
’Sang bolang papkorn na kaybango.
Bulaklak lamang ’to, pero para s’yang
Papkorn sa sanga, na ’king nakita.
Lumikha ng mga galaw gaya ng iminumungkahi ng mga salita.
Titik: Georgia W. Bello, p. 1924. © 1957 IRI
Himig: Georgia W. Bello, p. 1924; isin. ni Betty Lou Cooney, p. 1924. © 1957, 1989 IRI