Musika
Nagningning ang mga Tala


24

Nagningning ang mga Tala

Tuluy-tuloy

1. Nagningning ang mga tala;

Kay dilim na ng gabi.

Mga angel, mal’walhati,

Mga pastol ang saksi.

O, pakinggan ang awitan,

Pasko sa sandaigdigan!

O, maririnig pa rin!

2. Masdan natin ang liwanag,

Tala ng Paskong banal.

Patnubay sa tatlong mago

Sa diyertong kaydilim.

Kayganda at kayliwanag,

Ilaw at ningning ng tala,

’Toy gumagabay pa rin!

Titik: Nancy Byrd Turner, 1880–1971

Himig: Awiting pamasko sa Poland; isin. ni Darwin Wolford, p. 1936

Titik © 1930, ng Westminster Press; mula sa Hymns for Primary Worship. Iniakma at ginamit sa pahintulot ng Westminster/John Knox Press. Isin. © 1989 IRI. ANG PAGGAWA NG KOPYA NITO AY IPINAGBABAWAL.

Lucas 2:8–14

Mateo 2:1–2