70 Turuang Lumakad sa Liwanag May pananalangin Opsiyonal na obbligato (sa ika-3 berso) para sa plauta o biyolin 1. (Bata) Turuang lumakad sa liwanag At manalangin sa ’king Diyos Ama; Turuang tama ay matutunan, Sa ’king buhay ako’y turuan. 2. (Magulang) Aking anak halina’t mag-aral Ng mga kautusan N’yang banal Nang Siya’y makapiling nating muli Sa liwanag mananatili. 3. (Sabay) Salamat po, O Ama sa Langit, Sa Inyong patnubay at pag-ibig. Papuri sa Inyo’y aawitin! Liwanag N’yo’y aming susundin. Tingnan din sa Mga Himno (2002), blg 192. Titik at himig: Clara W. McMaster, 1904–1997. © 1958 IRI. Obbligato ni Darwin Wolford, p. 1936 © 1989 IRI Isaias 2:5 Mga Taga-Efeso 5:8