1. Ang mga k’wento kay Jesus na gusto ko,
Isalaysay po sa akin lahat ito.
K’wento habang s’ya’y naglalakad,
K’wento habang S’yang naglalayag.
2. Paanong ang mga bata ay nagtipon;
Iisiping may pagbasbas sa ’kin doon,
At ang mukha N’ya na kaybait.
Ang salita N’ya na kaytamis.
3. Ik’wento sa ’kin ang dagat at ang sigwa;
Pa’nong halos lumubog na itong bangka!
Pa’nong ang guro, nang magwika,
Unos at hangin, pumayapa.
Titik: W. H. Parker, p. 1929
Himig: Frederic A. Challinor, 1866–1952