1. Ako ay may pangalang alam,
Pinakatanging tunay.
Makinig sa ’king ibubulong;
Ito’y ngalan ng nanay.
Nanay, kaylambing at kaybait,
Mahal ko kayo.
Nanay, kaylambing at kaybait,
Mahal ko.
2. Ako ay may pangalang alam,
Pinakatanging tunay.
Makinig sa ’king ibubulong;
Ito’y ngalan ng tatay.
Tatay na kaygiting at tapat,
Mahal ko kayo.
Tatay, na kaygiting at tapat,
Mahal ko.