Musika
Awit ng Kapanganakan


32

Awit ng Kapanganakan

Marahan

1. Ang panahong kinagigiliwan,

Pasko na ating inaabangan.

Pagsilang ni Jesus ay ik’wento.

Nang, bilang sanggol, ay pumarito.

2. Ang bagong tula, na sakdal ganda,

Sa unang pasko’y ningning ang dala.

Anghel ang naghayag ng pagsilang.

Awit sa mundo’y kapayapaan.

3. Mga hayop sa kulungang hamak,

Naging saksi nang siya’y ipanganak.

Ang sabsaban may dayaming laman,

Ang, kay Jesus, nagsilbing higaan.

4. Mga pastol na agad nagtungo,

At nagsisamba nang buong puso.

Mga magong sumunod sa tala,

Handog ay ginto, insenso’t, mira.

5. Ang inang Maria ay pagmasdan,

Si Joseng umakay nang marahan.

Ang sanggol ng Bethlehem ay masdan,

Tagapagligtas ng sanlibutan.

Ang mga larawan para sa bawat berso ay maaaring ilagay habang tinutugtog ang apat na sukat na pambungad.

Titik: Patricia Kelsey Graham, p. 1940. © 1980 IRI. Iniakma mula sa tulang “The Nativity Story” ni Avon Allen Compton.

Himig: Patricia Kelsey Graham, p. 1940. © 1980 IRI

Lucas 2:1–16

Mateo 2:1–11