Musika
Sa Kanyang Pagbabalik


46

Sa Kanyang Pagbabalik

May paggalang

1. Sa Kanyang pagbalik kaya,

Anghel ay aawit?

Ang panahon ba’y taglamig

O ’di ba tag-init?

May natatangi bang bituin,

Dakila ang ningning?

Liwanag ba ay magdamag,

Ibon manggigising?

Marahil tatawagin n’ya

Mga batang munti,

’Pagkat noo’y winika n’ya:

“Sa ’kin ay palapitin.”

2. Sa Kanyang pagbalik kaya,

Ako’y maging handa?

Kanyang mukha ay matanaw,

Kasamang magdasal?

Ngayon ay sisikapin kong

Sundin ang nais N’ya

Upang kapwa’y tumulad din

Sa ’king halimbawa.

At sa pagsapit ng araw,

Ang wika n’ya sa ’kin:

“Naglingkod ka sa ’kin, anak;

Halina sa ’king piling.”

Titik at himig: Mirla Greenwood Thayne, 1907–1997.

© 1952 ni Mirla Greenwood Thayne, Provo, Utah. Ginamit nang may pahintulot. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Mateo 16:27

Mateo 19:13–15