Musika
Kung Saan Naroon ang Pag-ibig


76

Kung Saan Naroon ang Pag-ibig

Taimtim

1. Kung sa’n naro’n ang pag-ibig,

Ang Diyos ay naroro’n din.

Kami’y turuan sana

Na ang Diyos ay sundin t’wina.

2. Kung sa’n naro’n ang pag-ibig,

Ang Diyos ay naroro’n din.

Kami’y turuan na manalangin

At magtiwalang s’ya’y gabay sa ’tin.

Yakap ng nagmamahal na bisig,

Awit, sa puso’y aantig.

Ang ligayang dama ’pag ang pag-ibig

Na alay mo’y ibinalik.

3. Kung sa’n naro’n ang pag-ibig,

Ang Diyos ay naroro’n din.

Sa ’mi’y ituro sana ang daan

Nang makapiling s’ya kailan pa man.

Titik: Joanne Bushman Doxey, p. 1932, at Norma B. Smith, 1923–2010

Himig: Joanne Bushman Doxey, p. 1932, at Marjorie Castleton Kjar, 1927–2019

© 1972 nina Joanne Bushman Doxey at Marjorie Castleton Kjar. Isin. © 1989 IRI. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Alma 13:28–29