Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Setyembre 29–Oktubre 5: “Ito ay Inyong Bahay, Isang Pook ng Inyong Kabanalan”: Doktrina at mga Tipan 109–110


“Setyembre 29–Oktubre 5: ‘Ito ay Inyong Bahay, Isang Pook ng Inyong Kabanalan’: Doktrina at mga Tipan 109–110,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Doktrina at mga Tipan 109–110,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

paglalaan ng Kirtland Temple

A Glorious Light—Kirtland Temple [Isang Maluwalhating Liwanag—Kirtland Temple], ni Glen S. Hopkinson

Setyembre 29–Oktubre 5: “Ito ay Inyong Bahay, Isang Pook ng Inyong Kabanalan”

Doktrina at mga Tipan 109–110

Ang mga pinto sa Kirtland Temple ay hindi pa dapat magbukas hanggang sa sumapit ang alas-otso ng umaga noong Marso 27, 1836. Ngunit alas-siyete pa lang ay nagsimula nang pumila ang mga Banal na umasang makadalo sa serbisyo ng paglalaan. Kinailangan ng isang overflow location at pagkatapos ay ng pangalawang sesyon para makadalo ang lahat. At hindi lamang ang mga buhay ang sabik na makadalo. Maraming saksing nakakita ng mga anghel sa loob ng templo at maging sa bubong, sa oras at pagkatapos ng paglalaan. Talagang parang nagdatingan “ang mga hukbo ng langit” na “aawit [at] sisigaw” na kasama ng mga Banal sa mga Huling Araw (“Espiritu ng Diyos,” Mga Himno, blg. 2).

Bakit may matinding pananabik—sa magkabilang panig ng tabing? Pagkaraan ng maraming siglo, muling nagkaroon ng isang bahay ng Panginoon sa lupa. Tinutupad ng Panginoon ang Kanyang pangakong pagkalooban ang Kanyang mga Banal “ng kapangyarihan mula sa kaitaasan” (Doktrina at mga Tipan 38:32). At ito, pahayag Niya, ay “simula [lamang] ng mga pagpapala” (Doktrina at mga Tipan 110:10). Ang panahon natin ngayon—na pinabibilis ang gawain sa templo at mga ordenansa na available sa milyun-milyong buhay at sa mga patay—ay nagsimula sa Kirtland, na “ang tabing sa mundo’y nahahawing unti-unti” (“Espiritu ng Diyos”).

Tingnan din sa Mga Banal, 1:266–276; “A House for Our God,” sa Revelations in Context, 169–72.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Doktrina at mga Tipan 109

icon ng seminary
Inaalok ako ng Panginoon ng saganang mga pagpapala sa pamamagitan ng mga tipan sa templo.

Ang Kirtland Temple ay naiiba sa mga templong alam natin ngayon. Walang mga altar at walang bautismuhan noon, halimbawa. Ngunit ang mga pagpapalang inilarawan sa bahagi 109, sa panalangin ng paglalaan para sa Kirtland Temple, ay available din ngayon sa bahay ng Panginoon. Rebyuhin ang mga sumusunod na talata para mahanap ang ilan sa mga pagpapalang ito, at pagnilayan kung paano makakatulong ang mga ito na mapatibay ang iyong relasyon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Mga talata 5, 12–13 (tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 110:6–8): Sa bahay ng Panginoon, maipapamalas Niya ang Kanyang sarili sa akin, at madarama ko ang Kanyang kapangyarihan.

Mga talata 9, 15–19, 26, 78–79:

Mga talata 21–23:

Mga talata 24–33, 42–46:

Mga talata 35–39:

Iba pang mga pagpapala:

Kung nakapunta ka na sa bahay ng Panginoon, pag-isipan kung paano natupad ang mga pangakong ito sa iyong buhay.

Ang himnong “Espiritu ng Diyos” (Mga Himno, blg. 2) ay isinulat para sa paglalaan ng Kirtland Temple—at inawit na ito sa bawat paglalaan ng templo simula noon. Isiping kantahin o pakinggan ito bilang bahagi ng iyong pag-aaral at pagsamba. Anong mga pagpapala ng templo ang nakikita mong inilarawan sa himnong ito?

Doktrina at mga Tipan 109

Ang panalangin ay pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit.

Ang bahagi 109 ay isang panalangin sa paglalaan na ibinigay kay Propetang Joseph Smith sa pamamagitan ng paghahayag (tingnan sa section heading). Ano ang matututuhan mo tungkol sa panalangin mula sa bahaging ito? Halimbawa, maaari mong isulat kung ano ang ipinagpasalamat ng Propeta at kung anong mga pagpapala ang hiniling niya. Ano pa ang sinabi niya sa panalanging ito? Habang nag-aaral ka, maaari mong suriin ang sarili mong pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit. Ano ang matututuhan mo tungkol sa Kanya at sa Kanyang Anak mula sa panalanging ito?

Kung gusto mong basahin ang mga panalangin sa paglalaan ng iba pang mga templo, pati ng templong pinakamalapit sa iyo, bisitahin ang page ng templo sa temples.ChurchofJesusChrist.org.

Doktrina at mga Tipan 110:1–10

Maaaring ipamalas ng Panginoon ang Kanyang sarili sa akin sa Kanyang bahay.

Habang binabasa mo ang mga paglalarawan sa Tagapagligtas sa Doktrina at mga Tipan 110:1–10, pati na sa section heading, pagnilayan kung ano ang iminumungkahi ng mga talatang ito tungkol sa Kanya.

Paano ipinamamalas ni Jesucristo ang Kanyang sarili—o ipinakikilala ang Kanyang sarili sa iyo—sa Kanyang bahay? Paano ka Niya tinutulungang malaman na tinatanggap Niya ang iyong mga sakripisyo?

sa loob ng Kirtland Temple

Sa loob ng Kirtland Temple.

Doktrina at mga Tipan 110:10–16

Pinamamahalaan ng Tagapagligtas ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng mga susi ng priesthood.

Bago nagpakita sina Moises, Elias, at Elijah sa templo para ipanumbalik ang mga susi ng priesthood, sinabi ni Jesucristo, “Ito ang simula ng mga pagpapala na ibubuhos sa mga ulo ng aking [mga] tao” (Doktrina at mga Tipan 110:10). Habang binabasa mo ang mga talata 11–16, pag-isipan ang mga pagpapalang ibinubuhos ng Tagapagligtas sa iyo sa pamamagitan ng gawaing pinamamahalaan ng mga susing ito. Halimbawa:

  • Talata 11: Si Moises at ang mga susi ng pagtitipon ng Israel (o gawaing misyonero). Paano ka napagpala ng Panginoon at ang inyong pamilya sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng mga missionary ng Kanyang Simbahan?

  • Talata 12: Si Elijah at ang mga susi ng ebanghelyo ni Abraham, kabilang na ang tipang Abraham. Paano ka mapagpapala ng Panginoon at ang “susunod na mga salinlahi sa [inyo]” dahil sa inyong mga tipan? (Tingnan sa Russell M. Nelson, “Ang Walang Hanggang Tipan,” Liahona, Okt. 2022, 4–11; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Elias,” Gospel Library.)

  • Mga talata 13–16: Si Elijah at ang kapangyarihang magbuklod, na ipinamamalas sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history. Sa palagay mo, bakit nais ng Ama sa Langit na maging konektado ka sa iyong mga ninuno sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo? (Tingnan sa Gerrit W. Gong, “Maligaya Magpakailanman,” Liahona, Nob. 2022, 83–86.

Anong mga koneksyon ang nakikita mo sa pagitan ng mga susing ito at ng ating mga responsibilidad sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (pamumuhay ng ebanghelyo, pangangalaga sa mga taong nangangailangan, pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo, at pagbubuklod ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan)?

Ano ang mga naranasan ninyo sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos? Ano ang itinuturo sa iyo ng mga karanasang ito tungkol sa Tagapagligtas, sa Kanyang Simbahan, at sa Kanyang gawain?

Maghanap ng mga paraan na maisali ang iba. Kung nagtuturo ka tungkol sa Doktrina at mga Tipan 110:11–16, maaari mong atasan ang bawat mag-aaral na mag-aral tungkol kina Moises, Elias, o Elijah at sa mga susing ipinanumbalik niya. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga mag-aaral sa isa’t isa ang natuklasan nila. Ang pamamaraang katulad nito ay isinasali ang lahat sa pag-aaral at pagtuturo. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 24–27.)

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Tao, Lugar, Pangyayari

Magklik para makita pa ang iba

Icon 03 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Doktrina at mga Tipan 109:12–13; 110:1–7

Ang templo ang bahay ng Panginoon.

  • Maaari ninyong pag-usapan ng iyong mga anak ang isang bagay na gustung-gusto ninyo tungkol sa inyong tahanan. Pagkatapos ay maaari ninyong tingnan ang isang larawan ng Kirtland Temple at gamitin ang Doktrina at mga Tipan 109:12–13; 110:1–7 para pag-usapan kung paano inilaan at naging bahay ng Panginoon ang templong iyon (tingnan din sa “Kabanata 39: Ang Templo sa Kirtland ay Inilaan,” sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan 154, o ang kaukulang video sa Gospel Library). Ibahagi sa isa’t isa ang isang bagay na gustung-gusto ninyo tungkol sa bahay ng Panginoon.

    2:17

    Chapter 39: The Kirtland Temple Is Dedicated: January–March 1836

  • Marahil ay maaari ninyong isipin ng iyong mga anak na kunwari’y sinisikap ng isang kaibigan na hanapin ang bahay ninyo. Paano natin matutulungan ang ating kaibigan na malaman kung alin ang bahay natin? Paano natin malalaman na ang templo ang bahay ng Panginoon? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 109:12–13).

estatwa ni Cristo malapit sa Rome Italy Temple

Doktrina at mga Tipan 110

Pinagpapala ng Tagapagligtas ang Kanyang mga tao sa pamamagitan ng mga susi ng priesthood.

  • Maaari mong gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito o ang “Kabanata 40: Ang mga Pangitain sa Templo sa Kirtland” (sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, 155–57, o ang kaukulang video sa Gospel Library) para magkuwento sa mga bata tungkol sa mga makalangit na nilalang na bumisita sa templo. Maaari mo ring gamitin ang larawan sa dulo ng outline na ito.

    1:17

    The Kirtland Temple

  • Para malaman ang kahalagahan ng nangyari sa Kirtland Temple, maaari ninyong pag-usapan ng iyong mga anak kung ano ang ginagawa ng mga susi. Maaari sigurong maghalinhinan ang iyong mga anak sa paghawak ng mga susi at magkunwaring nagbubukas ng isang pintong nakakandado. Tulungan silang hanapin ang salitang mga susi sa Doktrina at mga Tipan 110:11–16, at pag-usapan ang mga pagpapalang binubuksan ng mga susing ito. Maaari mong ipaliwanag na ang mga susi ng priesthood ay ang pahintulot ng Diyos na pamunuan ang Kanyang Simbahan. Ibahagi ang iyong pasasalamat na binigyan tayo ng Panginoon ng mga susi ng priesthood.

Doktrina at mga Tipan 110:15

Nais ng Panginoon na ibaling ko ang puso ko sa aking mga ninuno.

  • Matapos basahin ang Doktrina at mga Tipan 110:15 nang magkakasama, ikuwento sa iyong mga anak ang isang karanasan na nakatulong na ibaling ang puso mo sa iyong mga ninuno. Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang isang awiting tulad ng “Kasaysayan ng Mag-anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 100).

  • Ano ang maaaring makatulong na “ibaling ang mga puso” ng iyong mga anak sa kanilang mga ninuno? Maaari kang makakita ng ilang masasayang ideya sa FamilySearch.org/discovery. Maaari kayong magtulungan na matukoy ang mga ninunong nangangailangan ng mga ordenansa sa templo. Bakit nais ni Jesus na gawin natin ang gawaing ito?

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

Sina Moises, Elias, at Elijah ay nagpakita sa Kirtland Temple

Vision in the Kirtland Temple [Pangitain sa Kirtland Temple], ni Gary E. Smith

pahina ng aktibidad para sa mga bata