Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 39: Ang Templo sa Kirtland ay Inilaan: (Enero–Marso 1836)


Kabanata 39

Ang Templo sa Kirtland ay Inilaan

(Enero–Marso 1836)

Saints building Kirtland Temple

Inutusan ng Panginoon ang mga Banal na magtayo ng templo sa Kirtland. Ang mga Banal ay puspusang gumawa upangmaitayo ang Templo sa Kirtland. Natapos nila ang ilan sa mga silid.

Joseph’s father blessing Church leaders

Pagkatapos ang mga Banal ay nagdaos ng unang pagpupulong sa templo. Sa pagpupulong binasbasan ng ama ni Joseph ang mga pinuno ng Simbahan. Ang ama ni Joseph ang Patriyarka ng Simbahan.

Joseph seeing vision

Pagkatapos si Joseph ay nagkaroon ng isang kamangha-manghang pangitain. Nakita niya ang kahariang selestiyal ng langit. Ang kahariang selestiyal ay kung saan naninirahan ang Diyos. Nakita ni Joseph kung gaano kaganda ang kahariang selestiyal. Nakita niya ang Ama sa Langit at si Jesus. Nakita ni Joseph ang kanyang kapatid na namatay na si Alvin.

parents leaning over their dying son

Nalaman ni Joseph ang tungkol sa mga bata na namatay bago pa sila tumuntong ng walong taong gulang. Sinabi ni Jesus na sila ay mapupunta sa kahariang selestiyal.

people from different cultures

Sinabi ni Jesus na maraming tao ang hindi nakaaalam ng tungkol sa ebanghelyo noong sila ay nabubuhay pa sa lupa.

people living in distant places

Ang ibang tao ay mabubuhay sa mundo at hindi nila malalaman ang tungkol sa ebanghelyo.

Jews returning to Jerusalem

Ang ilan sa mga taong ito ay maniniwala sa ebanghelyo kung malalaman nila ang tungkol dito. Ang mga taong ito ay maaaring mapunta sa kahariang selestiyal.

Kirtland Temple

Sa wakas natapos din ang Templo sa Kirtland. Panahon na para mailaan ang templo. Ibig sabihin nito na ang templo ay ibibigay na sa Panginoon. Ito ay gagamitin lamang para sa gawain ng Panginoon. Ang mga Banal ay nagkaroon ng isang natatanging pagpupulong upang ilaan ang templo.

Saints singing

Maraming Banal ang dumalo sa pagpupulong. Sila ay labis na naliligayahan sa pagkakaroon ng templo. Ang mga Banal ay nagsiawit at nanalangin sa Ama sa Langit. Sila ay nangako na gagawin nila anuman ang sasabihin ng Propeta at mga pinuno.

angels appearing at dedication

Nagbasa ng isang panalangin si Joseph Smith upang ilaan ang templo. Pagkatapos ang templo ay isa nang banal na gusali. Ito ang bahay ng Panginoon. Nang araw na iyon ang mga anghel ay nasa Templo sa Kirtland. Naroroon din ang Espiritu Santo na kasama ng mga Banal. Iyon ay isang kahanga-hangang araw.