Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 44: Ang Ikapu: (Hulyo 1838)


Kabanata 44

Ang Ikapu

(Hulyo 1838)

Joseph praying

Ang mga Banal ay nasa Far West, Missouri. Sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na dapat ang kanyang mga tao ay magbayad ng ikapu. Si Joseph ay nanalangin sa Ama sa Langit. Itinanong niya kung magkanong ikapu ang dapat bayaran ng mga Banal. Siya ay nagkaroon ng isang paghahayag mula sa Panginoon. Sinabi ng Panginoon na ang mga Banal ay dapat magbayad ng ikasampung bahagi ng lahat ng mayroon sila para sa ikapu.

Doktrina at mga Tipan 64:23; 119: Paunang Salita

members paying tithing

Kung sila ay kumikita ng sampung sentimo sila ay dapat magbigay ng isang sentimo para sa ikapu. Kung sila ay kumikita ng isang daang sentimo sila ay dapat magbigay ng sampung sentimo.

Saints paying tithing on crops

Ang mga Banal ay maaaring magbayad ng ikapu sa ibang pamamaraan. Ang mga Banal ay nagbayad ng ikapu ng kanilang mga pananim. Sila ay nagbigay ng ikasampung bahagi ng kanilang butil at dayami. Sila ay nagbigay ng ikasampung bahagi ng kanilang mga manok at iba pang hayop. Sila ay nagbayad ng ikapu ng gatas at mga gulay.

women delivering goods

Ang pera sa ikapu ay ginagamit sa mga miyembro ng Simbahan. Ang ikapu ay tumutulong sa pagbili ng pagkain at damit ng mga nangangailangan.

missionaries at temple

Ang ikapu ay ginagamit sa pagpapatayo ng mga templo at tumutulong sa gawaing misyonero. Ito ay ginagamit din na pangtulong sa mga tao na nagbibigay ng lahat ng kanilang panahon sa paglilingkod sa Panginoon.

young girl paying tithing

Ibinibigay natin ang ating ikapu sa obispo. Ito naman ay ibinibigay ng obispo sa mga pinuno ng Simbahan. Sila ang nagpapasya kung paano gagamitin ang ikapu.

family standing before temple

Ang Ama sa Langit ay nagbibigay ng mga kamanghamanghang pagpapala sa mga Banal na nagbabayad ng ikapu. Ang mga Banal na hindi nagbabayad ng ikapu ay hindi magkakaroon ng lahat ng ganitong pagpapala. Ang Biblia ay nagsasaad na ang mga Banal na hindi nagbabayad ng ikapu ay ninanakawan ang Diyos.