Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 49: Ang Mga Banal sa Nauvoo: (Enero–Hulyo 1841)


Kabanata 49

Ang Mga Banal sa Nauvoo

(Enero–Hulyo 1841)

Joseph praying

Si Joseph Smith at ang karamihan sa mga Banal ay naninirahan sa Nauvoo, Illinois. Si Joseph Smith ay binigyan ni Jesus ng ilang mahahalagang paghahayag. Sinabi ni Jesus na siya ay nasisiyahan sa mga nagawa ni Joseph. Sinabi ni Jesus na dapat masabihan ng tungkol sa ebanghelyo ang lahat ng hari at mga pinuno sa buong mundo.

Saints building temple in Nauvoo

Sinabi ni Jesus na dapat magtayo ang mga Banal ng templo sa Nauvoo. Nais niya na magbigay ng ginto at pilak ang mga Banal para sa templo. Sila ay dapat na magdala ng maraming uri ng magagandang kahoy upang makapagtayo ng templo.

Jesus Christ

Sinabi ni Jesus na siya ay darating sa templo. Magbibigay siya ng mga paghahayag tungkol sa kanyang Simbahan at sa pagkasaserdote.

members performing baptisms for the dead

Sinabi ni Jesus kay Joseph na kailangang mabinyagan ang mga Banal para sa mga taong namatay. Sinabi niya na dapat silang gumawa ng isang lugar na pagbibinyagan sa templo. Sa lugar na ito maaari silang mabinyagan para sa patay.

Hyrum performing patriarchal blessing

Sinabi ni Jesus na mahal niya ang kapatid ni Joseph na si Hyrum. Si Hyrum Smith ang magiging Patriyarka ng Simbahan. Siya ang magbibigay ng mga natatanging pagbabasbas sa mga Banal.

Brigham Young speaking

Isang araw, ang Panginoon ay nagbigay ng isang paghahayagkay Joseph tungkol kay Brigham Young. Sinabi ni Jesus na mahal niya si Brigham Young. Alam niya na si Brigham ay puspusang gumawa para sa Simbahan. Siya ay nalayo sa kanyang tahanan sa maraming pagmimisyon. Maraming beses niyang iniwan ang kanyang mag-anak.

Brigham caring for his family

Sinabi ng Panginoon na dapat manatili sa kanyang mag-anak si Brigham Young. Dapat niya itong bigyan ng natatanging pagkalinga.