Kabanata 29 Isang Paghahayag Tungkol sa Pagkasaserdote (Setyembre 1832) Maraming kalalakihan sa Simbahan ang nagpunta sa misyon. Nang sila ay umuwi na sa kanilang mga tahanan nakipagkita sila kay Joseph Smith sa Kirtland. Doktrina at mga Tipan 84: Paunang Salita Sinabi ng kalalakihan kay Joseph ang tungkol sa kanilang misyon. Nakapagbinyag sila ng maraming tao. Ikinaligaya nila ang kanilang pagmimisyon. Ang Propetang Joseph ay maligaya rin. Doktrina at mga Tipan 84: Paunang Salita Lahat ng misyonerong ito ay may pagkasaserdote. Ang pagkasaserdote ay ang kapangyarihan ng Diyos. Ibig ng mga misyonero na magkaroon ng higit na kaalaman tungkol sa pagkasaserdote. Nagbigay si Jesus kay Joseph ng isang paghahayag para sa kanila. Sinabi ni Jesus kay Joseph ang tungkol sa ilang kalalakihan na nagkaroon ng Pagkasaserdoteng Melquisedec. Si Adan ay mayroong pagkasaserdote. Siya ang unang taongnabuhay sa mundo. Doktrina at mga Tipan 84: Paunang Salita, 16 Ang lahat ng propeta sa Lumang Tipan ay may pagkasaserdote. Ang ilan sa mga propetang ito ay sina Enoc, Noe, Moises, Melquisedec at Abraham. Ibinigay ni Melquisedec ang pagkasaserdote kay Abraham. Doktrina at mga Tipan 84:6–15 Sinabi ni Jesus na ang kalalakihang may pagkasaserdote ang mamumuno sa kanyang Simbahan. Maaari silang makapagbinyag at makapagbigay ng kaloob ng Espiritu Santo. Maaari nilang basbasan ang sakramento. Maaari silang makapagbigay ng pagbabasbas sa mga taong may sakit. Ang lahat ng ito ay tumutulong sa mga Banal namakapaghanda na makita ang Diyos. Doktrina at mga Tipan 84:19–22 Sinabi ni Jesus kay Joseph na ang kalalakihan ay dapat maging mabuti. Pagkatapos ay maaari silang magkaroon ng pagkasaserdote. Ang Diyos ay gumagawa ng isang tipan sa kanila. Ang tipan ay isang pangako. Nangako ang Diyos na pagpapalain ang kalalakihan na may pagkasaserdote. Ang kalalakihan ay nangakong gagamitin angkapangyarihan ng pagkasaserdote upang matulungan ang ibang tao. Ang kalalakihan na may pagkasaserdote ay maaaring maging natatanging anak ng Diyos. Balang-araw ibabahagi ng Ama sa Langit ang lahat ng mayroon siya sa kanila. Doktrina at mga Tipan 84:33–39 Sinabi ni Jesus kay Joseph kung paano dapat gamitin ng kalalakihan ng Simbahan ang kanilang pagkasaserdote. Ang pagkasaserdote ay maaari lamang gamitin ng mabubuting tao. Hindi kailanman dapat gamitin ang pagkasaserdote upang maghari-harian o maging malupit. Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng kapangyarihan ng pagkasaserdote sa mga taong malupit. Doktrina at mga Tipan 121:36–37 Dapat na gamitin ng kalalakihan ang pagkasaserdote nang may pagmamahal at kabaitan. Dapat silang makinig sa Espiritu Santo. Pagkatapos ay lagi silang magkakaroon ng kapangyarihan ng pagkasaserdote. Ang Espiritu Santo aymapapasakanila nang walang hanggan. Doktrina at mga Tipan 121:41–43, 45–46 Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith na kailangang mas maraming kalalakihan ang dapat magmisyon. Dapat nilang ipangaral ang ebanghelyo sa buong daigdig. Dapat nilang ituro na ang Diyos ang siyang hahatol sa lahat ng tao. Dapat nilang turuan ang mga tao na magsisi. Dapat nilang binyagan ang mga tao at bigyan sila ng Espiritu Santo. Doktrina at mga Tipan 84:62–64 Sinabi ni Jesus na ang mga misyonero ay pagpapalain kung sila ay magiging masikap. Tutulungan sila ng mga anghel.Bibigyan sila ng Ama sa Langit ng mga bagay na kakailanganin nila. Doktrina at mga Tipan 84:80–88 Natapos na ang paghahayag. Si Joseph at ang mga misyonero ay naligayahan sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagkasaserdote. Ibig nilang gamitin ang kanilang kapangyarihan ng pagkasaserdote sa tamang paraan. Ibig nilang turuan ang iba tungkol sa Simbahan.