Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 36: Ang Kampo ng Sion: (Pebrero–Hunyo 1834)


Kabanata 36

Ang Kampo ng Sion

(Pebrero–Hunyo 1834)

Joseph reading letter

Habang si Joseph Smith ay nasa Kirtland, Ohio, nabalitaanniya na ang mga Banal sa Missouri ay nagkakaroon ngkaguluhan. Nagawa silang paalisin ng mga mandurumog sakanilang tahanan. Ang mga Banal ay nanalangin sa Ama saLangit upang sila ay tulungan.

Joseph rising from prayer

Binigyan ni Jesus si Joseph Smith ng isang paghahayag. Sinabiniya na ilan sa kalalakihan ng Simbahan ang dapat magtungosa Missouri upang tulungan ang mga Banal. Si Joseph Smithang kanilang magiging pinuno. Sila ay dapat magdala ng peraupang makabili ng lupa. Ibig ng Panginoon na limang daangkalalakihan ang pumaroon.

Joseph speaking to the Saints

Sinunod ni Joseph ang Panginoon. Sinabi niya sa mga Banal nadapat na limang daang kalalakihan ang magpunta sa lupainng Sion sa Missouri. Hiniling niya sa kalalakihan na pumuntasa Kirtland. Isandaang kalalakihan lamang ang dumating.Ang ibang kalalakihan ng Simbahan ay hindi sumunod saPanginoon.

men leaving Kirtland

Ang isandaang kalalakihan ay tinatawag na Kampo ng Sion.Sinimulan nila ang paglalakbay sa lupain ng Sion. Ilan sakalalakihan ang naglakad. Ang iba ay sumakay sa mga bagon.Kinagabihan, sama-sama silang nagkampo. Sa kanilang

men leaving Kirtland

paglalakbay isandaan pang kalalakihan ang sumama sa kanila.Isanlibong milya ang nilakbay ng kalalakihan. Angpaglalakbay ay mahaba at mahirap. Ang kalalakihan aywalang sapat na mabuting pagkain.

members complaining to Joseph

Sinabi ng ilan sa kalalakihan na napakahirap ng kanilangpaglalakbay. Hindi nila nagustuhan ang pagkain. Sinabi nilana si Joseph Smith ay hindi mahusay na pinuno. Sinabihan niJoseph ang kalalakihang ito na magsisi. Kung hindi silamagsisisi, sila ay magkakasakit at mamamatay.

righteous camp members with Joseph

Ang ilan sa kalalakihan ay mabuti. Tinulungan nila si JosephSmith. Sinunod nila ang mga kautusan ng Diyos. Ipinakitanila kung gaano nila kamahal ang Simbahan ni Jesucristo.Laging maaalala ni Joseph Smith kung paano siya tinulunganng mga ito.

men camping near river

Sa wakas, ang kalalakihan ng Kampo ng Sion ay nakaratingng Missouri. Nagkampo sila sa tabing ilog.

mob approaching Zion’s Camp

Alam ng mga mandurumog na ang kalalakihan ay naroroon.Kinagabihan ang mga mandurumog ay dumating malapit sakampo. Ibig nilang patayin ang kalalakihan ng Kampo ng Sion.

hail falling on evil mob

Nagpadala ang Diyos ng isang malakas na bagyo. Tinumba ng hangin ang mga puno. Mgamalalaking yelongbato ang nahulog mula sa langit. Tinamaan ng kidlat ang mga puno.Binaha ng tubig ilog ang lupa. Napatay ng kidlat ang isa sa kalalakihan ng mandurumog.Ang ibang kalalakihan ng mandurumog ay nasaktan.

mob running away

Natakot ang kalalakihan ng mandurumog. Alam nila na ang Diyos ang tumutulong sakalalakihan ng Kampo ng Sion. Ang mga mandurumog ay nagtakbuhan. Hindi nilanasaktan ang kalalakihan ng Kampo ng Sion. Ang kalalakihan ng Kampo ng Sion ayhindi nasaktan ng bagyo.

Joseph praying

Makalipas ang dalawang araw, binigyan ng Panginoon siJoseph Smith ng isang paghahayag. Sinabi ng Panginoon naang kalalakihan ng Kampo ng Sion ay maaaring manatili saMissouri o bumalik sa Kirtland.

Zion’s Camp

Sinabi ni Jesus na ang ilan sa kalalakihan ay hindi sumunodsa kanya. Hindi siya nasisiyahan sa kanila. Subalit ang ilan sakalalakihan ay sumunod. Ang Panginoon ay nasisiyahan sakanila. Sinabi niya na pagpapalain niya sila ng higit pangkapangyarihan.

Zion’s Camp men getting sick

Lumipas ang ilang araw marami sa kalalakihan sa Kampo ng Sion ang nagkasakit.Labing-apat sa kanila ang namatay. Pinagsabihan sila ni Joseph na kung hindi silamagsisisi sila ay mamamatay.

Joseph speaking to the Saints in Missouri

Si Joseph Smith ay nakipagkita sa mga Banal sa Missouri.Namili siya ng kalalakihan para sa mataas na kapulungan.Pagkatapos, nagbalik si Joseph at ang kanyang mga kaibigansa Kirtland.

Zion’s Camp returning to Kirtland

Hindi tumulong ang kalalakihan ng Kampo ng Sion sa mgaBanal sa Missouri. Ang kalalakihan ay hindi maaaringtumulong sapagkat hindi sila sumunod sa Diyos. Sinabi ngDiyos na ang Sion ay maaari lamang itayo ng mabubuting tao.