Kabanata 58 Ang mga Unang Banal ay Umalis sa Nauvoo (Setyembre 1845– Pebrero 1846) Pagkatapos mapatay si Joseph Smith inakala ng mga mandurumog na magwawakas na ang Simbahan. Hindi nila alam na ang Panginoon ay pipili ng bagong pinuno. Ibig ng mga mandurumog na wasakin ang Simbahan. Ang mga pahayagan ay nagsabi ng kasinungalingan tungkol sa mga Banal. Sinabi nila na ang mga Banal ay pumapatay ng mga tao at nagnanakaw. Ang Gobernador ng estado ay ayaw tumulong sa mga Banal. Sinabi niya na sila ay kinasusuklaman ng mga mandurumog. Sinabihan niya ang mga Banal na lumipat sa Kanluran. Sinabi ni Brigham Young na magtutungo ng Kanluran ang mga Banal. Subalit kailangan nila ng panahon upang makapaghanda. Kailangan nila ng pera upang ipambili ng pagkain at mga damit. Sila ay kailangang gumawa ng mga bagon at bumili ng mga baka. Kailangan nilang ipagbili ang kanilang mga bahay. Ayaw ng mga mandurumog na bigyan ng panahon ang mga Banal na makapaghanda. Ayaw bilhin ng mga tao ang mga tahanan ng mga Banal. Nagawa ng mga mandurumog na mapaalis sa kanilang mga tahanan ang ilan sa mga Banal. Nagnakaw sila ng mga kagamitan sa mga bahay. Pagkatapos ay sinunog nila ang mga bahay. Ang mga Banal ay puspusang gumawa upang makapaghanda sa pag-alis sa Nauvoo. Pumutol sila ng mga kahoy at gumawa ng mga bagon. Bumili sila ng mga hayop. Nag-ipon sila ng pagkain. Nais ng mga Banal na matapos ang templo bago sila umalis. Ang mga Banal ay nagbigay ng pera upang ipagpatayo ng templo. Sila ay gumawa sa templo. Natapos nila ang karamihan sa mga silid. Inilaan nila ang bawat silid nang ito ay mayari. Ginamit nila ang isang silid upang pagbinyagan ng mga tao para sa patay. Sila ay nagkaroon ng komperensiya sa templo para sa lahat ng miyembro ng Simbahan. Dumating ang tagyelo. Napakalamig. Nagawa ng mga mandurumog na mapaalis ang maraming Banal sa kanilang mga tahanan. Inilagay ng mga Banal ang lahat ng kanilang kagamitan sa kanilang mga bagon. Pinalakad nila angkanilang mga bagon sa mga balsa. Sila ay tumawid sa kabilang ibayo ng Ilog Mississippi. Sa sobrang lamig ang ilog ay nagyelo. Si Brigham Young at ang ilang Banal ay pinalakad ang kanilang mga bagon patawid sa nagyelong ilog. Ang mga Banal ay nagkampo sa tabi ng ilog. Ang ilang tao ay walang sapat na mga damit. Sila ay labis na naginaw. Ang ilan sa kanila ay walang sapat na mga pagkain. Ang mga Banal na may sapat na mga pagkain at damit ay nagbahagi sa iba. Tumigil ang mga Banal sa tabi ng ilog ng ilang araw. Pagkatapos sila ay lumipat at gumawa ng panibagong kampo. Si Brigham Young ay pumili ng mga pinuno. Ang mga pinuno ay tumulong sa mga tao na makapaghanda sa paglalakbay sa kabundukan ng Kanluran.