Kabanata 61 Ang Batalyong Mormon (Hunyo 1846–Hulyo 1847) Ang mga Banal ay nasa Council Bluffs. Isang kapitan ng Hukbo ng Estados Unidos ang dumating upang makipagkita kay Brigham Young. Ang pangalan niya ay Kapitan Allen. Sinabi ni Kapitan Allen na nais ng pangulo ng Estados Unidos na limandaang kalalakihan ang sumama sa hukbo. Sinabi ni Brigham Young na gagawin ng mga Banal kung ano ang nais ng pangulo. Nakipag-usap si Kapitan Allen sa kalalakihan at limandaan sa kanila ang sumama sa hukbo. Sila ay tinawag na Batalyong Mormon. Kung minsan ang mga miyembro ng Simbahan ay tinatawag na mga Mormon sapagkat sila ay naniniwala sa Aklat ni Mormon. Sinabihan ni Brigham Young ang mga kalalakihan na maging pinakamagagaling na kawal sa hukbo. Dapat nilang dalhin ang Biblia at ang Aklat ni Mormon. Sila ay kailangang maging maayos, malinis at magalang. Sila ay hindi dapat na magmura o maglaro ng mga baraha. Sinabihan ni Brigham Young ang kalalakihan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Pagkatapos sila ay hindi kinakailangang pumatay ng sinuman. Ang Batalyong Mormon ay umalis kasama ni Kapitan Allen. Ang mga Banal ay nalungkot na makita silang umalis. Kailangan ng mga Banal ang lahat ng kalalakihan upang tulungan sila sa pagpunta sa Kanluran. Hindi nila nais na umalis ang mga kalalakihan para makipaglaban. Subalit alam nila na ang mga kawal ay babayaran. Ang pera aymakatutulong sa mga Banal. Naglakbay patimog ang Batalyong Mormon. Ang ilan sa mga mag-anak ng mga kawal ay kasama sa Batalyong Mormon. Lubhang napakahirap para sa mga tao ang maglakbay. Sila ay kinailangang maglakad sa buong paglalakbay. Napakasama ng mga daan. Kung minsan ang mga bagon ay nababaon sa malalim na buhangin. Walang tubig na mainom. Walang mga punong-kahoy kung saan ang kalalakihan ay maaaring makapagpahinga sa lilim. Nagkasakit ang ilan sa mga tao. Ang mga taong may sakit lamang ang maaaring sumakay sa mga bagon. Si Kapitan Allen ay nagpasiya na ang mga may sakit na kawal at kababaihan at bata ay dapat manatili sa Colorado. Tumigil sila sa isang bayan na tinatawag na Pueblo. Ang mga kawal ay binayaran sa pagsama sa hukbo. Ang ilan sa mga maysakit na kawal ay nagpadala ng pera sa kanilang mga maganak sa Council Bluffs. Sila ay nagpadala ng pera para sa mahihirap na tao sa Nauvoo at para sa mga misyonero. Nagpatuloy sa pagmamartsa ang mga kawal sa Batalyon. Kung minsan hindi nila alam kung saan sila patungo. Sila ay kinailangang humukay sa ilalim ng buhangin upang makahanap ng tubig. Masama ang lasa ng tubig. Ang mga kawal ay walang sapat na pagkain. Walang kahoy para makagawa ng mga siga. Kinailangan ng kalalakihan namagsunog ng mga damo. Ang mga kawal ay nakasalubong ng mga Indiyan at iba pang tao na may pagkain. Ang mga kawal ay walang pera upang makabili ng pagkain. Ibinigay nila sa mga Indiyan ang ilan sa kanilang mga damit. Ang mga Indiyan ay nagbigay sa mga kawal ng kaunting pagkain. Naglakbay pakanluran ang Batalyong Mormon. Sila ay sumapit sa ilang napakatatarik na kabundukan. Kinailangang talian ng kalalakihan ng mga lubid ang mga bagon at hilahin ang mga ito pataas ng kabundukan. Pagkatapos hinayaan nila ang mga bagon na bumaba sa kabilang panig. Isang araw ang mga kawal ay nakakita ng ilang toro. Sinalakay ng mga toro ang mga kawal. Nakipaglaban ang mga kawal sa mga toro. Sa wakas naitaboy nilang palayo ang mga toro. Isang lalaki ang nasaktan. Siya ay hindi nakalakad nang mahabang panahon. Sa wakas ang Batalyong Mormon ay sumapit sa Dagat Pasipiko. Noon ay ika-29 ng Enero 1847. Ang kalalakihan ay pagod na pagod. Ang kanilang mga damit ay parang basahan na. Sila ay nagalak na ang kanilang mahabang pagmamartsa ay natapos na. Ang mga kawal ay binayaran sa pagsama sa hukbo. Sila ay hindi na kailangan pa na maging bahagi ng hukbo. Sila ay maaari nang umuwi sa kanilang mga mag-anak. Ang ilan sa mga kalalakihan ay nanatili sa California. Ang karamihan sa kanila ay nagtungo sa Rocky Mountains para makasama ang ibang Banal na dumating doon mula sa Council Bluffs.