Kabanata 17 Ang mga Unang Obispo ng Simbahan (Pebrero 1831) May ilang masasamang tao ang nakatira sa New York. Malupit sila sa mga miyembro ng Simbahan at ibig silang palayasin. Sinabi ni Jesus kay Joseph na umalis sa New York at pumunta sa Kirtland, Ohio. Sina Joseph Smith, ang kanyang asawang si Emma, Sidney Ridgon, at Edward Partridge ay pumunta sa Kirtland. Sina Joseph at Emma ay nakitira sa isang miyembro ng Simbahan. Ang kanyang pangalan ay si Newel K. Whitney. Mayroong isang libong miyembro ng Simbahan sa Kirtland. Sinisikap nilang sumunod sa Diyos. Subalit hindi nila naintindihan ang kabuuan ng ebanghelyo. Doktrina at mga Tipan 41 : Paunang Salita Nanalangin si Joseph sa Ama sa Langit. Binigyan ni Jesus si Joseph ng isang paghahayag. Sinabi ni Jesus kay Joseph na ang mga Banal sa Kirtland ay nangangailangan ng isang obispo. Dapat gamitin ng obispo ang kanyang panahon sa pagtuturo at pagtulong sa mga Banal. Ang unang obispo ng Simbahan ay si Edward Partridge. Doktrina at mga Tipan 41:9 Sinabi ni Jesus kay Joseph kung ano ang dapat gawin ng isang obispo sa Simbahan. Dapat pangalagaan ng obispo ang bodega. Ang mga Banal ay dapat maglagay ng mga pagkain at damit sa bodega. Kung may Banal na nangangailangan ng pagkain o damit, dapat ibigay ito ng obispo sa kanya. Doktrina at mga Tipan 72:10–12 Dapat ingatan ng obispo ang pera para sa Simbahan. Ang mga Banal ay dapat magbigay ng pera sa obispo. Dapat magbayad ang obispo ng mga bayarin para sa Simbahan. Siya ay dapat magbigay ng bahagi ng pera sa mahihirap na Banal. Doktrina at mga Tipan 72:10–12 Dapat mahalin ng obispo ang mga Banal. Dapat niyang sikapin na matulungan sila. Dapat siyang makipagpulong sa kalalakihang may pagkasaserdote. Dapat nilang pag-usapan kung ano ang kanilang ginagawa upang matulungan ang mga Banal. Doktrina at mga Tipan 72:5, 11 Higit pang dumarami ang mga taong sumapi sa Simbahan. Ang Simbahan ay nangailangan ng karagdagan pang mga obispo. Si Newel K. Whitney ang pangalawang obispo ng Simbahan. Doktrina at mga Tipan 72:8 Ang obispo ang pinuno ng mga Banal sa bawat purok. Ang pangulo ng sangay ay tulad din ng obispo. Ang pangulo ng sangay ay siyang pinuno ng mga Banal sa bawat sangay. Sa ngayon ay may libu-libong obispo sa Simbahan.