Kabanata 21 Ang Propeta ay Pumunta sa Missouri (Mayo–Hunyo 1831) Marami sa mga Banal ang nakatira pa sa New York. Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay nasa Kirtland, Ohio. Sinabini Joseph sa mga Banal sa New York na pumunta sa Ohio. Sinunod nila ang Propeta. Pumunta sila sa Ohio. Sinabi ni Jesus kay Joseph na dapat ibahagi ng mga Banal sa Kirtland ang kanilang lupain sa mga Banal na galing sa New York. Si Leman Copley ay may maraming lupain. Nangako siyang ibabahagi niya ang mga ito. Ang mga Banal na galing sa New York ay lumipat sa mga lupaing ito. Doktrina at mga Tipan 48:2 Hindi tinupad ni Leman Copley ang kanyang pangako. Ayaw niyang makuha ng mga Banal na galing sa New York ang kanyang lupain. Kinailangan nilang umalis. Wala silang lugar na matitirahan. Si Newel Knight ang kanilang pinuno. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakipagkita siya kay PropetangJoseph. Tinanong niya si Joseph kung ano ang dapat gawin ng mga Banal. Sinabi ng Panginoon kay Joseph na dapat lumipat kaagad ang mga Banal na galing sa New York sa Missouri. Doktrina at mga Tipan 54:7–9 Bago sila umalis, ang mga Banal ay nagkaroon ng komperensiya sa Kirtland. Ang kapulungan ay tumagal ngtatlong araw. Ang Panginoon ay nagbigay ng ilang mahahalagang paghahayag kay Joseph Smith. Sinabi ng Panginoon kay Joseph na ordenan ang unang matataas na saserdote sa Simbahan. Ang matataas nasaserdote ay may Pagkasaserdoteng Melquisedec. Sila ang mga pinuno ng Simbahan. Marami sa mga pinuno ng Simbahan ay inordenan bilang mataas na saserdote. Sinabi ng Panginoon na ang ilan sa kalalakihan ay dapat na pumunta sa misyon sa Missouri. Dapat nilang ipangaral ang ebanghelyo sa kanilang paglalakbay. Nang matapos na ang komperensiya, ang mga misyonero ay pumunta sa Missouri. Doktrina at mga Tipan 52:9–10 Sinabi ng Panginoon kay Joseph na ang susunod na komperensiya ay Jackson County. Sinabi niya kay Joseph at sakanyang mga kaibigan na pumunta roon. Ang Sion ay itatayo sa Jackson County. Ipakikita ni Jesus sa kanila kung saan itatayo ang lungsod ng Sion. Doktrina at mga Tipan 52:1–5