Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 27: Ang Gawain ng Propetang Joseph Smith: (Marso 1832)


Kabanata 27

Ang Gawain ng Propetang Joseph Smith

(Marso 1832)

Joseph and Emma with twins

Sina Joseph Smith at ang kanyang asawang si Emma ay nagkaroon ng kambal na sanggol. Ang mga sanggol ay nagkasakit at namatay. Ang mga kaibigan ni Joseph ay nagkaroon din ng kambal na sanggol, subalit ang nanay ng kambal na sanggol ay namatay. Inampon at inalagaan nina Joseph at Emma ang mga sanggol.

Joseph reading Bible

Sinabi ni Jesus kay Joseph na basahin ang Biblia. Binago ng mga tao ang ilang salita sa Biblia. Sinabi ni Jesus kay Joseph ang mga tamang salita na dapat ay nasa Biblia. Tinulungan ni Sidney Rigdon si Joseph na maisulat ang mga salitang ibig ni Jesus na nasa Biblia.

Joseph translating Bible

Hindi naunawaan ni Joseph Smith ang ilang bahagi ng Biblia. Nagtanong siya sa Diyos. Sinagot ng Panginoong Jesucristo ang kanyang mga tanong. Isinulat ni Joseph ang mga sagot upang mabasa ng mga Banal.

Joseph writing at desk

Nasiyahan si Jesus sa ginawa ni Joseph. Si Joseph ay isang dakilang propeta. Subalit si Satanas ay hindi masaya. Ibig ni Satanas na pigilin ang gawain ni Joseph. Ibig ni Satanas na magalit ang mga tao kay Joseph.

mob taking Joseph

Isang gabi, ang mga galit na grupo ng mandurumog ay pumunta sa tahanan ni Joseph. Pilit nilang binuksan ang pintuan. Pumasok sila sa loob. Kalong ni Joseph ang isa sa mga sanggol. Ang sanggol ay may malubhang sakit.

Joseph being dragged outside

Sinunggaban ng masasamang lalaki si Joseph. Ang sanggol ay naiwang nag-isa. Dinagtagal ang sanggol ay namatay. Kinaladkad ng mga tao si Joseph palabas ng kanilang tahanan sa malamig na gabi ng tagyelo. Sinakal ng mga tao si Joseph.

men trying to kill Joseph

Ibig saktan ng ilang kalalakihan si Joseph. Ibig naman siyang patayin ng iba pa. Sinubukan nilang painumin siya ng lason. Nabali nila ang isa sa kanyang mga ngipin. Nasunog siyang lason.

men tarring and feathering Joseph

Pinunit ng kalalakihan ang damit ni Joseph at pinahiran siya ng alkitran. Binalutan nila si Joseph ng balahibo. Dumikit ng mga balahibo sa alkitran.

Joseph tarred and feathered

Pagkatapos ay umalis na ang mga mandurumog. Inakala nilang si Joseph ay mamamatay. Nagpumilit si Joseph na makatayo. Subalit hindi niya makaya. Nagpahinga siya nang ilang sandali. Pagkatapos ay gumapang siyang pabalik sa bahay.

Emma crying

Inalis ng mga kaibigan ni Joseph ang alkitran sa kanyang katawan. Mahirap alisin ang alkitran. Ang kanyang balat ay nasunog at makirot. Ito ay sumasakit.

Joseph teaching

Hindi hinayaan ni Joseph na pigilin ng mga mandurumog ang kanyang gawain. Ang sumunod na araw ay Linggo. Pumunta si Joseph sa simbahan. Ang ilan sa mga kalalakihan na mandurumog ay dumalo rin sa pagpupulong ng simbahan. Nagulat sila nang makita si Joseph. Si Joseph ay nagsalita sa simbahan. Hindi napigilan ni Satanas ang gawain ng propeta.