Kabanata 59 Natapos na ang Templo sa Nauvoo (Oktubre 1845– Setyembre 1846) Ang ilan sa mga Banal ay hindi umalis ng Nauvoo. Sinabi ng Panginoon sa mga Banal na magtayo ng templo sa Nauvoo. Nais nilang sumunod sa kanya. Ang mga taong nanatili sa Nauvoo ay puspusang gumawa sa templo. Doktrina at mga Tipan 124:31 Marami sa Banal ang nagkasakit. Karamihan sa kanila ay mahirap. Alam nila na kailangan nilang umalis ng Nauvoo sa lalong madaling panahon. Subalit nais pa rin nilang matapos ang templo. Sa wakas ay natapos din ang templo. Ang mga Banal ay buong araw at buong gabi na gumawa ng gawaing pangtemplo. Sila ay binigyan ng kanilang endowment. Sila ay labis na naligayahan sa pagkakaroon ng templo. Sa wakas ang natitira pang mga Banal ay kinailangan nang umalis ng Nauvoo. Inilagay nila ang lahat ng kagamitan nila sa kanilang mga bagon. Sila ay tumawid sa Ilog Mississippi patungo sa kabilang ibayo. Lumingon sila sa kabilang ibayo ng ilog at nakita ang Nauvoo. Nakita nila ang templo sa burol. Sila ay nalungkot na iwan ang Nauvoo. Subalit sila ay nagalak na natapos nila ang templo ng Panginoon. Ang mga Banal ay nanatili sa tabi ng ilog ng ilang araw. Sila ay walang sapat na mga pagkain upang makain. Tinulungansila ng Panginoon. Nagpadala siya ng maliliit na ibon na tinatawag na pugo. Pinatay ng mga Banal ang mga pugo at kinain ang mga ito. Pagkatapos ay nagpadala si Brigham Young ng ilang kalalakihan upang tulungan ang mga Banal. Dinala sila ng kalalakihan sa pook kung saan ang ibang Banal ay nagkampo.