Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 9: Ang Totoong Simbahan ni Jesucristo: (6 Abril 1830)


Kabanata 9

Ang Totoong Simbahan ni Jesucristo

(6 Abril 1830)

Joseph receiving revelation

Nakatira si Joseph sa isang bayan na tinatawag na Fayette. Ang Fayette ay nasa estado ng New York. Sinabi ni Jesucristo kay Joseph na panahon na para ang totoong Simbahan ay maibalik na muli sa mundo. Sinabi ni Jesus kay Joseph na itatag na ang Simbahan.

Joseph instructing Church leaders

Sumunod si Joseph Smith. Noong ika-6 ng Abril 1830, siya ay nakipagpulong. Limang kalalakihan ang dumalo sa pagpupulong upang tulungan si Joseph na maitatag ang Simbahan. Ang kalalakihang ito ay sina Oliver Cowdery, Hyrum Smith, Samuel Smith, David Whitmer, at Peter Whitmer. Silang lahat ay nabinyagan na. May ibang mga tao na dumalo upang magmasid sa pagpupulong.

Joseph ordaining elder

Ang kalalakihan ay nanalangin sa Ama sa Langit. Inordenan ni Joseph si Oliver na maging elder sa Simbahan. Pagkatapos ay inordenan ni Oliver si Joseph.

Joseph blessing sacrament

Binasbasan nina Joseph at Oliver ang sakramento. Ibinigay nila ito sa kalalakihan.

Joseph confirming members

Ipinatong nina Joseph at Oliver ang kanilang mga kamay sa ulo ng bawat kalalakihan. Pinagtibay nila ang mga kalalakihan bilang miyembro ng Simbahan ni Jesucristo. Ibinigay nila sa kalalakihan ang handog na Espiritu Santo. Pinasalamatan nila ang Diyos.

man bearing testimony

May iba ring mga tao sa pagpupulong. Inordenan nina Joseph at Oliver ang ilan sa kalalakihan. Ibinigay nila sa kanila ang pagkasaserdote. Ang kalalakihang naordenan ay maligayangmaligaya. Sinabi nilang mahal nila ang Diyos. Sinabi nila kung paano sila pinagpala ng Diyos.

Joseph receiving revelation

JNagbigay si Jesus ng paghahayag kay Joseph sa pagpupulong. Sinabi ni Jesus na si Joseph ay isang propeta. Kapag ang isang propeta ay nagsasalita, siya ay nagsasalita para kay Jesus. Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat makinig sa propeta. Nararapat nilang sundin siya.

Joseph baptizing his mother

Pagkatapos ng pagpupulong maraming tao ang nabinyagan. Ang ama at ina ni Joseph ay nabinyagan din. Isang natatanging araw ang ika-6 ng Abril 1830. Ang totoong Simbahan ni Jesucristo ay nasa lupa nang muli.