Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 38: Ang Mahalagang Perlas


Kabanata 38

Ang Mahalagang Perlas

Pearl of Great Price

Ang Mahalagang Perlas ay isang aklat. Ang Diyos ang tumulong sa mga propeta na maisulat ang Mahalagang Perlas. Ito ay isa sa ating mga banal na kasulatan. Ang Mahalagang Perlas ay may apat na bahagi. Ang mga ito ay ang Aklat ni Moises, Aklat ni Abraham, ang mga sulat ni Joseph Smith at ang Mga Saligan ng Pananampalataya.

Ang Aklat ni Moises

Joseph receiving revelation

Ang unang bahagi ng Mahalagang Perlas ay isang paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith. Ito ay pinangalanang ang Aklat ni Moises. Si Moises ay isang propeta ng Diyos. Siya ay nabuhay matagal nang panahon ang nakararaan.

God appearing to Moses

Ang Aklat ni Moises ay nagsasaad kung ano ang sinabi ng Diyos kay Moises sa mataas na bundok. Nakita ni Moises ang Diyos at nakipag-usap sa kanya. Sinabi ng Diyos na mayroon siyang natatanging gawain para kay Moises.

Moses seeing vision

Ipinakita ng Diyos kay Moises ang daigdig. Nakita ni Moises ang lahat ng mangyayari sa daigdig. Nakita niya ang lahat ng anak ng Diyos na maninirahan sa daigdig.

Moses telling Satan to go away

Iniwan ng Diyos si Moises. Dumating si Satanas. Sinabi niya kay Moises na siya ang sambahin. Ayaw sambahin ni Moises si Satanas. Sinabi ni Moises, “Ako ay anak ng Diyos.” Si Moises ay tumawag sa Diyos upang tulungan siya. Pagkatapos ay sinabihan niya si Satanas na lumayas. Galit na galit si Satanas sapagkat ayaw siyang sundin ni Moises. Iniwan ni Satanas si Moises.

Jesus creating the earth

Si Moises ay napuspos ng Espiritu Santo. Dumating angDiyos at nakipag-usap muli kay Moises. Sinabi ng Diyos na ang Tagapagligtas na si Jesucristo ay anak ng Diyos. Sinabi ng Diyos na may maraming daigdig. Si Jesus ang lumikha ng mga ito. Siya ay lilikha pa ng maraming daigdig. Palaging magkakaroon ng maraming daigdig. Ang mga anak ng Diyos ang maninirahan sa mga ito.

Moses writing his revelations

Natutuhan ni Moises ang tungkol sa gawain ng Diyos. Ang Diyos ay gumagawa upang matulungan ang mga tao para sila ay maaaring mamuhay na kasama niya nang walang hanggan. Siya ay gumagawa upang matulungan ang mga tao na makatulad Niya. Ang Aklat ni Moises ay nagsasaad din ng tungkol sa propetang si Enoc at sa lungsod ng Sion.

Ang Aklat ni Abraham

man presenting mummies to Joseph

Ang ikalawang bahagi ng Mahalagang Perlas ay ang Aklat ni Abraham. Isang araw noong Hulyo 1835, isang lalaki na nagngangalang Ginoong Chandler ang dumating sa Kirtland. Ipinakikita ni Ginoong Chandler sa mga tao ang ilang mummy mula sa Egipto. Kapag ang mga tao sa Egipto ay namatay ang kanilang mga katawan ay binabalot ng tela. Ang kanilang mga katawan ay tinatawag na mga mummy.

Mr. Chandler holding Egyptian papyrus

Ilang nakabilot na lumang papel ang napasama sa mgamummy. Ilang kakaibang sulat ang nasa papel. Si Ginoong Chandler ay naghahanap ng taong makababasa ng mga nakasulat. Nabalitaan niya na si Joseph Smith ay maaaring makapagsalin ng mga sulat.

Mr. Chandler presenting papyrus to Joseph

Tiningnan ni Joseph ang mga nakasulat sa papel. Nababasa niya ang mga nakasulat. Sinabi niya kay Ginoong Chandler kung ano ang nakasaad dito. Ilan sa mga Banal ang bumili ngmga nakabilot na papel mula kay Ginoong Chandler.

Joseph translating papyrus

Isinalin ni Joseph ang mga nakasulat sa papel. Sina Oliver Cowdery at William Phelps ang mga sumulat ng naisalin ni Joseph.

Jesus speaking to Abraham

Ang sulat ay mula sa dakilang propetang si Abraham. Si Abraham ay nanirahan sa Egipto matagal nang panahon ang nakararaan. Si Jesus ay nakipag-usap kay Abraham.

Abraham looking heavenward

Sinabi ni Jesus kay Abraham ang tungkol sa ating buhay bago tayo pumarito sa lupa. Sinabi ni Jesus na siya ang lumikha ng mundo. Siya ang gumawa ng araw, buwan at mga bituin. Siya ang gumawa ng mga halaman, hayop, at tao.

Abraham writing revelations

Nagsulat si Abraham ng tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo. Ang Aklat ni Abraham ay tumutulong sa atin na maunawaan ang mga propeta at ang pagkasaserdote.

Ang mga Isinulat ni Joseph Smith

Joseph writing

Ang ikatlong bahagi ng Mahalagang Perlas ay isinulat ni Joseph Smith. Sa Joseph Smith–Kasaysayan, isinalaysay ni Joseph ang tungkol sa kanyang unang pangitain. Isinalaysay niya kung paano niya nakuha ang mga laminang ginto. Isinalaysay din ni Joseph kung paano ibinigay ng mga anghel sa langit sa kanya at kay Oliver Cowdery ang pagkasaserdote.

Joseph and writer

Iwinasto ni Joseph ang ilang bahagi sa Bibliya sa Joseph Smith–Mateo. Ang ikaapat na bahagi ng Mahalagang Perlas ay ang Mga Saligan ng Pananampalataya. Isang araw, isang lalaki ang nakipagkita kay Joseph Smith. Ang lalaki ay sumusulat ng isang aklat. Ibig niya na maglagay ng ilang bagay tungkol sa Simbahan sa kanyang aklat. Hiniling niya kay Joseph na isalaysay kung paano nagsimula ang Simbahan.

Joseph writing about the Church

Si Joseph Smith ay nagsulat ng tungkol sa pinagsimulan ng Simbahan. Sinabi niya kung ano ang paniniwala ng mga tao ng Simbahan. Tinulungan ng Diyos si Joseph Smith na malaman kung ano ang kanyang isusulat. Si Joseph ay nagsulat ng labintatlong mahahalagang bagay. Tinawag niya ang mga itong Mga Saligan ng Pananampalataya.

Saints reading the Articles of Faith

Noong ika-1 ng Marso 1842, nailathala ang Mga Saligan ng Pananampalataya sa pahayagan ng Simbahan. Binasa ng mga Banal ang Mga Saligan ng Pananampalataya. Sila ay naniwala sa mga isinulat ni Joseph.

Angmga Saliganng Pananampalataya

Joseph Smith

pen and paper
Joseph Smith

1 Naniniwala kami sa Diyos, ang Walang Hanggang Ama, at sa Kanyang Anak na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo.

2 Naniniwala kami na ang mga tao ay parurusahan dahil sa kanilang sariling mga kasalanan, at hindi dahil sa paglabag ni Adan.

3 Naniniwala kami na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, ang buong sangkatauhan ay maliligtas, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at sa mga ordenansa ng ebanghelyo.

4 Naniniwala kami na ang mga pangunahing alituntunin at mga ordenansa ng ebanghelyo ay: una, Pananampalataya sa Panginoong Jesucristo; pangalawa, Pagsisisi; pangatlo, Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan; pang-apat, Pagpapatong ng mga kamay para sa kaloob ng Espiritu Santo.

5 Naniniwala kami na ang tao ay kinakailangang tawagin ng Diyos, sa pamamagitan ng propesiya at ng pagpapatong ng mga kamay ng mga yaong may karapatan, upang ipangaral ang ebanghelyo at mamahala sa mga ordenansa niyon.

6 Naniniwala kami sa samahan ding yaon na umiral sa Sinaunang Simbahan alalaong baga’y mga alagad, propeta, pastor, guro, ebanghelista at iba pa.

7 Naniniwala kami sa kaloob na mga wika, propesiya, paghahayag, mga pangitain, pagpapagaling, at pagbibigay kahulugan ng mga wika, at iba pa.

8 Naniniwala kami na ang Biblia ay salita ng Diyos hangga’t ito ay naisalin nang wasto; naniniwala rin kami na ang Aklat ni Mormon ay salita ng Diyos.

9 Naniniwala kami sa lahat ng ipinahayag ng Diyos, sa lahat ng kanyang ipinahahayag ngayon, at naniniwala rin kaming magpapahayag pa Siya ng maraming dakila at mahahalagang bagay hinggil sa Kaharian ng Diyos.

10 Naniniwala kami sa literal na pagtitipon ng Israel at sa panunumbalik ng Sampung Lipi; na ang Sion (ang Bagong Jerusalem) ay itatayo sa lupalop ng Amerika; na maghahari mismo si Cristo sa mundo; at ang mundo ay babaguhin at matatanggap nito ang malaparaisong kaluwalhatian.

11 Inaangkin namin ang natatanging karapatang sambahin ang Pinakamakapangyarihang Diyos alinsunod sa mga atas ng aming budhi, at pinahihintulutan ang lahat ng tao sa gayon ding karapatan, hayaan silang sumamba, kung paano, kung saan, kung anuman ang ibig nila.

12 Naniniwala kami sa pagpapasailalim sa mga hari, pangulo, namamahala, at hukom, sa pagsunod,paggalang at pagtataguyod sa batas.

13 Naniniwala kami sa pagiging matapat, tunay, malinis, mapagkawanggawa, marangal, at sa paggawa ng mabuti sa lahat ng tao; sa katotohanan, maaari naming sabihing sinusunod namin ang payo ni Pablo—Naniniwala kami sa lahat ng bagay, nakatitiis kami ng maraming bagay at umaasang makapagtitiis sa lahat ng bagay. Kung may anumang bagay na marangal, kaaya-aya, magandang balita o maipagkakapuri, sinasaliksik namin ang mga bagay na ito.