Kabanata 63 Ang mga Banal sa Rocky Mountains (Hulyo 1847) Ang mga tagabunsod ay nagsimulang magtayo ng lungsod sa Lambak ng Great Salt Lake. Pinangalanan nila itong Lungsod ng Salt Lake. Si Brigham Young ay pumili ng lugar na pagtatayuan ng templo. Hinati-hati ni Brigham Young ang lungsod. Ang bawat maganak ay nagkaroon ng kaunting lupain para sa bahay at sakahan. Ang mga tagabunsod ay nagtayo ng mga bahay na troso. Sila ay nagtanim. Sila ay masigasig na gumawa. Itinuroni Brigham Young sa mga Banal na kailangang gumawa ang bawat isa para sa kanyang pangangailangan. Hinati-hati ni Brigham Young ang lungsod sa limang purok. Ang mga tao ay nagsimulang magtayo ng mga simbahan. Mas marami pang tagabunsod ang dumating sa lambak. Di-nagtagal ay nagkaroon ng labingsiyam na purok. Ang mga tagabunsod ay nagsimula ng isang paaralan. Ang mga klase sa paaralan at ang mga pulong sa simbahan ay nasa iisang gusali lamang. Di-nagtagal, nasimulan ang Panlinggong Paaralan. Si Brigham Young ay nagpadala ng mga misyonero sa ibang lupain sa kabilang ibayo ng dagat. Sa ilang lugar kaunti lamang ang tao na sumapi sa Simbahan. Sa ibang lugar maraming tao ang naniwala sa mga misyonero. Sila ay sumapi sa Simbahan. Marami sa kanila ang ibig manirahan na kasama ang mga Banal sa Lambak ng Great Salt Lake. Sila ay tumawid ng dagat lulan ng mga barko. Ang ilan sa mga tao ay tumawid ng mga kapatagan sa loob ng mga nakatakip na bagon. Subalit ang ilang tao ay walang pera upang ibili ng mga bagon. Gumawa sila ng maliliit na kariton na may dalawang gulong. Ang mga ito ay tinatawag na handcart. Inilagay ang mga tagabunsod ang lahat ng kanilang kagamitan sa mga kariton. Itinulak at hinatak nila ang mga kariton patawid sa mga kapatagan. Napakahirap na gawain ang magtulak ng mga kariton. Ang ilan sa mga tao ay nagkasakit at namatay. Si Brigham Young ay isang matalinong pinuno. Ipinadala niya ang kalalakihan at ang kanilang mag-anak sa ibang lugar sa Kanluran. Ang ilang Banal ay nagtayo ng mga bayan sa California. Ang ibang Banal ay nagtayo ng mga bayan sa Idaho, Arizona, at Wyoming. Ang ilan sa mga tao ay nalungkot na lisanin ang kanilang mga tahanan. Subalit sinunod nila si Brigham Young. Ang mga Banal ay nagkaroon ng maraming pagkabagabag. Minsan ang kanilang mga pananim ay ayaw tumubo. Tinangay ng mga baha ang kanilang mga sinasaka. Minsan pinagnakawan ng mga Indiyan ng kagamitan ang mga Banal o di kaya ay pinapatay sila. Sinabi ni Brigham Young sa mga Banal na maging mabait sa mga Indiyan. Ang mga Banal ay nagbigay ng pagkain sa mga Indiyan. Marami sa mga Indiyan ang naging kaibigan ng mga Banal. Ang mga Banal ay nag-umpisang magtayo ng mga templo sa Kanluran. Noong 1853 sila ay nagsimulang magtayo ng templo sa Lungsod ng Salt Lake. Sila ay gumawa ng apatnapung taon upang maitayo ang templo. Ang mga Banal ay nagtayo ng tatlong iba pang templo bago natapos ang Templo sa Salt Lake. Itinayo nila ang Templo sa St. George,ang Templo sa Logan, at ang Templo sa Manti.