Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 2: Ang Unang Pangitain ni Joseph Smith: (1820)


Kabanata 2

Ang Unang Pangitain ni Joseph Smith

(1820)

Joseph Smith Sr.

Si Joseph Smith at ang kanyang mag-anak ay naniniwala sa Diyos. Sama-sama silang nagbabasa ng Biblia. Tinuruan ng mga magulang ni Joseph ang kanilang mga anak na maging mabuti.

Joseph attending church

Maraming simbahan sa Palmyra. Lahat ng tao ay nagsasabi na ang kanilang simbahan ay ang totoong simbahan. Sinasabi nila na ang ibang simbahan ay di totoo. Hindi malaman ni Joseph kung alin sa mga simbahan ang kanyang sasapian. Ibig niyang malaman kung alin ang totoong Simbahan ni Jesucristo.

Joseph reading the Bible

Isang araw ay nagbabasa si Joseph ng Biblia. Siya ay labingapat na taong gulang noon. Nabasa niya na dapat natingtanungin ang Diyos kung may ibig tayong malaman. Nagpasiya si Joseph na manalangin. Tatanungin niya ang Diyos kung alin simbahan ang kanyang sasapian.

Joseph kneeling

Isang magandang araw ng tagsibol noon. Pumunta si Joseph sa kakahuyan na malapit sa kanilang tahanan. Lumuhod siya. Siya ay nanalangin nang may malakas na tinig. May pananampalataya siya na sasagutin ng Ama sa Langit ang kanyang panalangin.

Joseph holding his head

Ayaw ni Satanas na manalangin si Joseph. Sinubukan ni Satanas na pigilin siya. Pinadilim ni Satanas ang paligid ni Joseph. Hindi siya nakapagsalita. Natakot siya.

Joseph kneeling in prayer

Hindi tumigil si Joseph sa kanyang pananalangin. Hindi siya kayang pigilin ni Satanas.

Heavenly Father and Jesus

Pagkatapos ay nagkaroon si Joseph ng pangitain. Nakakita siya ng isang maganda at matinding liwanag. Ang liwanag ay nakapaligid sa kanya. Nakita niya ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sila ay nakatayo sa liwanag na nasa itaas niya. Itinuro ng Ama sa Langit si Jesucristo at sinabing, “Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan mo Siya!”

Jesus

Tinanong ni Joseph si Jesus kung alin ang totoong simbahan. Tinanong niya kung aling simbahan ang kanyang sasapian. Sinabi sa kanya ni Jesus na huwag sumapi sa alinman sa mga simbahan. Sinabi ni Jesus na ang lahat ng simbahan ay mali. Wala ni isa sa mga ito ang kanyang Simbahan. Maraming bagay pa siyang sinabi kay Joseph. At natapos ang pangitain. Nag-iisa na lamang si Joseph.

Joseph and his mother

Umuwi si Joseph. Tinanong siya ng kanyang ina kung ano an nararamdaman niya. Sumagot si Joseph ng mabuti naman. Sinabi niya sa kanyang ina na nakakita siya ng isang pangitain. Sinabi rin niya sa kanyang ina kung ano ang nalaman niya sa kanyang pangitain.

minister chastising Joseph

Sinabi ni Joseph sa ilang mga tao sa kanyang bayan ang tungkol sa pangitain niya. Hindi siya pinaniwalaan ng mga tao. Inakala nilang siya ay nagsisinungaling. Nagalit sila sa kanya. Naging malupit sila sa kanya.

Joseph being taunted

Si Joseph ay laging nagsasabi ng katotohanan tungkol sa kanyang pangitain. Alam niya na nakita niya ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Alam din niya na wala ni isa sa mga simbahan sa mundo ang totoo.