Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 12: Ang Misyon ni Samuel Smith: (Hunyo 1830)


Kabanata 12

Ang Misyon ni Samuel Smith

(Hunyo 1830)

Samuel Smith

Si Samuel Smith ay nakababatang kapatid ni Joseph Smith. Sinabi ni Joseph na ibig ni Jesus na magmisyon si Samuel. Si Samuel Smith ang unang misyonero ng Simbahan.

Samuel Smith

Umalis si Samuel upang ituro sa mga tao ang ebanghelyo. Ibig niyang sabihin sa kanila ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Sinubukan niyang ipagbili ang aklat sa mga tao. Subalit wala ni isa ang ibig bumasa nito. Nalungkot siSamuel.

Samuel returning home

Ang misyon ni Samuel ay mahirap. Maraming beses siyang nagutom. Kung minsan ay wala siyang lugar na matulugan. Ang ibang tao ay malupit sa kanya.

Samuel and Phineas Young

Naipagbili ni Samuel ang isang Aklat ni Mormon sa isang lalaking nagngangalang Phineas Young. Binasa ni Phineas ang aklat. Ibinigay niya ang Aklat ni Mormon sa kanyang kapatid. Ang pangalan ng kanyang kapatid ay Brigham Young.

Brigham Young

Binasa ni Brigham Young ang Aklat ni Mormon. Naniwala siya na ito ay totoo. Natutuhan niya ang ebanghelyo ni Jesucristo. Sinabi nina Phineas at Brigham sa ilan nilang mga kaibigan ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Binasa ito ngkanilang mga kaibigan. Sina Phineas at Brigham at ang kanilang mga kaibigan ay sumapi sa Simbahan.

Brigham Young speaking

Di-nagtagal si Brigham Young ay naging propeta ng Simbahan. Tinulungan niya ang mga Banal. Siya ay isang dakilang pinuno.

Samuel walking

Umuwi si Samuel Smith sa kanilang tahanan. Hindi niya inaakalang ang kanyang misyon ay nakatulong sa Simbahan. Hindi niya alam na balang-araw si Brigham Young ay magiging isang propeta.

Samuel speaking to inn keeper

Isang gabi ay tumigil si Samuel sa isang bahay-panuluyan. Inalok niya sa may-ari na bumili ng isang Aklat ni Mormon. Tinanong ng may-ari kung saan nakuha ni Samuel ang aklat. Sinabi ni Samuel na isinalin ito ng kanyang kapatid na lalaki mula sa mga laminang ginto.

inn keeper getting angry at Samuel

Nagalit ang may-ari. Sinabi niya na si Samuel ay nagsisinungaling. Sinabi niya kay Samuel na lumayas sa kanyang bahay-panuluyan.

Samuel sleeping under tree

Noong gabing iyon natulog si Samuel sa ilalim ng puno ng mansanas.

Samuel speaking to pastor

Sa wakas ay nakapagbigay si Samuel ng isang Aklat ni Mormon sa isang pinuno ng ibang simbahan. Binasa ng pinuno at ng kanyang asawa ang aklat. Nalaman nila na ito ay mahalaga.