Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 15: Misyon sa mga Lamanita: (Setyembre 1830)


Kabanata 15

Misyon sa mga Lamanita

(Setyembre 1830)

Oliver Cowdery

Ibig ni Jesus na marinig ng marami pang tao ang tungkol sa ebanghelyo. Ibig niyang magmisyon ang ilan sa mga Banal.Sinabi niya kay Oliver Cowdery na magmisyon sa mga Indiyan.

Jesus speaking to Nephite

Ang mga Indiyan ay tinatawag na Lamanita sa Aklat ni Mormon, Ibig ni Jesus na mabasa ng mga Lamanita ang Aklat ni Mormon. Ipinangako niya sa maraming propeta na ang mga Lamanita ay magkakaroon ng Aklat ni Mormon. Ngayon na ang panahon upang matupad ang pangakong iyon.

Jesus speaking to Lamanites

Ang Aklat ni Mormon ang siyang magsasabi sa mga Lamanita ng tungkol sa kanilang mga ninuno na nabuhay noong dalawang libong taon na ang nakalilipas. Ito ang magsasabi sa mga Lamanita ng tungkol sa mga pangako ni Jesus sa kanila. Ito ang makatutulong sa kanilang maniwala kay Jesus at sa ebanghelyo. Ito ay makapagtuturo sa kanila na magsisi at magpabinyag.

men of the Church

Ang ibang kalalakihan ay ibig ding sumama kay Oliver Cowdery. Ibig nilang ipangaral ang ebanghelyo sa mgaLamanita. Ibig nilang ibigay sa mga Lamanita ang Aklat ni Mormon. Sinabi ng Panginoon na tatlo sa kalalakihan ang maaaring magmisyon.

missionaries teaching Native Americans

Ang mga misyonero ay unang pumunta sa ilang mga Indiyan sa New York. Kaunti lang ang natagpuan nilang Indiyan na marunong bumasa. Binigyan sila ng mga misyonero ng Aklat ni Mormon.

missionaries greeting Native Americans

Pagkatapos ay pumunta ang mga misyonero sa Ohio upang mangaral sa ilang mga Indiyan. Nasiyahan ang mga Indiyanna marinig ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Naligayahan sila na malaman ang tungkol sa kanilang mga ninuno.

missionaries leaving on horseback

Umalis ang mga misyonero sa Ohio. Pumunta sila sa Lungsod ng Independence, sa Jackson County, Missouri. MaramingIndiyan sa Missouri.

Native Americans reading from Book of Mormon

Ipinangaral ng mga misyonero ang ebanghelyo sa kanila. Binigyan nila ang mga Indiyan ng Aklat ni Mormon. Ito aynakapagpasaya sa mga Indiyan. Pinasalamatan nila ang mga misyonero sa Aklat ni Mormon.

people telling missionaries to stay away

Ang ibang tao sa Missouri ay hindi naniwala sa ebanghelyo. Hindi nila pinaniwalaan ang Aklat ni Mormon. Sinabi nila sa mga misyonero na layuan ang mga Indiyan.

missionaries leaving Missouri

Sinabi ng mga tao na hahabulin ng mga kawal ang mga misyonero kapag hindi sila umalis. Nalungkot ang mgamisyonero sa balitang ito. Pumunta sila sa Missouri upang ituro ang ebanghelyo sa iba pang tao.

Parley P. Pratt speaking to Joseph

Isa sa mga misyonero ay nagngangalang Parley P. Pratt. Bumalik siya sa Kirtland upang isalaysay kay Joseph kungano ang ginawa sa kanila. Sinabi ni Parley na naging mabuti ang kanilang misyon. Naturuan nila ng ebanghelyo ang maraming tao.