Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 13: Sina Joseph at Emma: (Hulyo 1830)


Kabanata 13

Sina Joseph at Emma

(Hulyo 1830)

Emma and Joseph

Sina Joseph at Emma ay nakatira sa Pennsylvania. Sila ay may maliit na sakahan. Sina Joseph at Emma ay nagmamahalan. Sila ay nagsusumikap upang matulungan ang isa’t isa.

Joseph and Emma

Maraming problema sina Joseph at Emma. Mahirap lamang sila. Ibig nilang magkaroon ng mga anak. Si Emma ay nagkaroon ng sanggol na lalaki, subalit ito ay namatay. Nalungkot si Emma. Di-nagtagal ay nagkaroon din sina Joseph at Emma ng maraming anak.

Joseph planting seeds

Nag-alala si Joseph tungkol sa kanyang mag-anak. Ibig niyang mapangalagaan sila. Kinailangan niyang magtanim upang ang kanyang mag-anak ay magkaroon ng pagkain.

Joseph teaching

Nag-alala rin si Joseph tungkol sa Simbahan. Lumilikha ng gulo ang masasamang tao para sa mga Banal. Ang ilan sa mga pinuno ng Simbahan ay kinailangang magtago mula sa masasamang tao. Kinailangang magsumikap si Joseph sa trabaho upang matulungan ang mga Banal.

Joseph saying goodbye to Emma

Kung minsan ay kinakailangang iwan ni Joseph ang kanyang tahanan upang matulungan ang mga Banal. Ikinalungkot ni Joseph na iwan ang kanyang mag-anak. Si Emma ay nalulungkot kapag umaalis si Joseph. Nag-aalala si Emma sa kanya.

Joseph receiving consolation from God

Tinanong ni Joseph si Jesus kung ano ang dapat niyang gawin. Sinabi ni Jesus sa propetang si Joseph na huwag alalahanin ang kanyang mga suliranin. Sinabi ni Jesus sa kanya na huwag matakot sa masasamang tao. Sinabi ni Jesus na lagi niyang tutulungan si Joseph.

Saints giving food to Joseph

Sinabi ni Jesus na dapat magtanim si Joseph para sa kanyang mag-anak. Pagkatapos ay dapat siyang umalis at tumulong sa mga Banal. Sinabi ni Jesus kay Joseph na huwag mag-alala tungkol sa pagkain, damit, o pera. Bibigyan siya ng mgaBanal ng kanyang pangangailangan.

Emma teaching other women

Nagbigay si Jesus ng isang paghahayag kay Joseph Smith para kay Emma. Sinabi ni Jesus na si Emma ay isang natatanging babae. Napili siya ng Panginoon para sa isang mahalagang gawain.

Emma comforting Joseph

Sinabi ni Jesus na dapat maging mabait si Emma kay Joseph kapag siya ay may mga problema. Dapat niyang tulungan si Joseph na maging masaya at hindi mag-alala.

Emma teaching from scriptures

Sinabi ni Jesus kay Emma Smith na dapat turuan ang mga Banal. Dapat niyang tulungan na matutuhan nila ang mga banal na kasulatan. Sinabi niya na ang Espiritu Santo ang makatutulong sa kanya upang malaman kung ano ang ituturo niya.

Emma studying at home

Sinabi ni Jesus kay Emma na dapat niyang gamitin ang kanyang panahon sa pag-aaral. Dapat siyang matuto at sumulat ng maraming bagay.

Emma searching through books

Hiniling ni Jesus kay Emma na pumili ng mga awit upang awitin ng mga Banal. Ang mga awitin ay ililimbag sa isang aklat.

Saints singing

Ibig marinig ng Diyos ang awit ng mabubuting tao. Ang kanilang awitin ay isang panalangin sa kanya. Ang mabubuting tao na umaawit para sa Diyos ay kanyang pagpapalain.

Joseph and Emma

Sinabi ni Jesus kay Emma na maging mapagpakumbaba. Sinabi niya sa kanya na mahalin ang kanyang asawa. Sinabi niya kay Emma na maging masaya dahil makatatanggap si Joseph ng maraming dakilang pagpapala.

Emma Smith

Sinabi ni Jesus kay Emma na huwag mag-alala tungkol sa mundong ito. Dapat siyang maghanda para sa higit pang kanais-nais na daigdig sa langit. Dapat siyang maging masaya at sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Pagkatapos ay maaari na siyang pumunta sa langit.

Saints from many countries

Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na sinabi niya kay Emma ay nauukol sa lahat ng kababaihan.