Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 51: Ang Samahang Damayan: (Marso 1842)


Kabanata 51

Ang Samahang Damayan

(Marso 1842)

Saints building temple in Nauvoo

Ang mga miyembro ng Simbahan ay nagtatayo ng templo saNauvoo. Ang mga kasuotan ng kalalakihan ay napupunit na. Ibig silang tulungan ang kababaihan. Isang babae ang nagsabi na gagawa siya ng mga kasuotan para sa kalalakihan. Subalit siya ay walang pera upang ipambili ng tela.

women gathering

Sinabi ni Sarah M. Kimball na siya ay magbibigay ng ilangtela sa kababaihan. Hinilingan ni Kapatid na Kimball ang iba pang kababaihan na tumulong. Ang kababaihan ay nagpulong sa tahanan ni Kapatid na Kimball. Sila ay nagpasya na magkaroon ng samahan para sa kababaihan sa Simbahan.

Eliza R. Snow greeting Joseph

Ang kababaihan ay humiling kay Eliza R. Snow na sumulat ng ilang tuntunin para sa samahan. Dinala niya ang mga tuntunin kay Joseph Smith. Sinabi ni Joseph Smith na napakainam ang mga tuntunin. Subalit sinabi niya na angPanginoon ay may higit pang mainam na plano para sa kababaihan.

Relief Society being organized

Hiniling ni Joseph Smith sa kababaihan na dumalo sa isang pagpupulong noong ika-17 ng Marso 1842. Sinabi niya na ang mga pinunong saserdote ay tutulong sa kababaihan sa kanilang samahan. May labing-walong kababaihan sa pagpupulong. Si Emma Smith ang napiling pinuno ng kababaihan. Tinawag nila ang kanilang samahan na Ang Samahang Damayan.

Joseph speaking to Relief Society

Sinabihan ni Joseph ang kababaihan na tumulong sa mga taong may sakit o naghihirap. Sila ay dapat magbigaysa mga tao ng kahit anumang tulong na kailangan nila. Ang obispo ang tutulong sa kababaihan na malaman kung ano ang gagawin.

women meeting together

Ang kababaihan ay nagkaroon ng mga pagpupulong upang matutuhan nila ang mga bagay na dapat nilang malaman. Sila ay labis na nagalak na maaari silang tumulong sa mga miyembro ng Simbahan.

women making clothes

Ang kababaihan ay gumawa ng mga bagay para sa templo. Sila ay gumawa ng mga kasuotan para sa kalalakihan na magtatayo ng templo.

women taking food to those in need

Ang kababaihan ay nagdala ng pagkain sa mga tao na nangangailangan nito. Inalagaan nila ang mga taong may sakit. Sila ay gumawa ng maraming bagay upang matulungan ang mga Banal.

women serving in Relief Society

Ang kababaihan ng Simbahan ay maaaring dumulog sa Samahang Damayan . Tumutulong sila sa mga tao. Natututuhan nila ang tungkol sa ebanghelyo. Natututuhan nila ang tungkol sa mga tao sa iba’t ibang lupain. Natututuhan nila ang tungkol sa mabubuting aklat, musika at sining. Natututuhan nila kung paano nila gagawing mas maayos ang kanilang mga tahanan.