Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 24: Dapat Turuan ng mga Magulang ang Kanilang mga Anak: (Nobyembre 1831)


Kabanata 24

Dapat Turuan ng mga Magulang ang Kanilang mga Anak

(Nobyembre 1831)

Joseph praying

Ang ilang Banal sa Ohio ay nakipagkita kay Joseph Smith. Nagbigay si Jesus kay Joseph ng mga paghahayag para sa kanila. Sinabi ni Jesus sa mga Banal kung paano magiging mabuting mga magulang.

Doktrina at mga Tipan 68: Paunang Salita

family reading scriptures

Sinabi ni Jesus na ang mga bata ay dapat mabinyagan kapag sila ay walong taong gulang na. Inutusan ni Jesus ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak ng ebanghelyo bago sila mabinyagan.

parents teaching children

Dapat matutuhan ng mga bata ang tungkol kay Jesus. Dapat silang magkaroon ng pananampalataya sa kanya.

mother comforting child

Dapat matutuhan ng mga bata kung paano magsisi.

man baptizing woman

Dapat matutuhan ng mga bata ang tungkol sa pagbibinyag. Dapat nilang matutuhan kung paano maging mabuting miyembro ng Simbahan.

family praying together

Dapat matutuhan ng mga bata kung paano manalangin. Dapat nilang malaman kung paano makinig sa Espiritu Santo.

family reading together

Dapat matutuhan ng mga bata ang mga kautusan ng Diyos. Dapat nilang sundin ang mga kautusan.

happy family

Kinakailangang ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang mga bagay na ito. Ang mga magulang ang masisisi sa mga kasalanan ng kanilang mga anak kung hindi nila ituturo sa kanila ang ebanghelyo.