Kabanata 34 Nagbabala ang Diyos sa mga Tao sa Sion (Hulyo–Agosto 1833) Inutusan ng Diyos ang higit na marami pang Banal namagtungo sa Jackson County, Missouri. Maraming tao ang nagtungo roon upang manirahan. Nagtayo sila ng mga tahanan, mga tindahan at isang palimbagan. Hindi ibig ni Satanas na ang mga Banal ay manirahan sa Jackson County. Hindi niya ibig na magtayo sila ng lungsod ng Sion. Ibig niya na ang ibang tao ay maging malupit sa kanila. Ibig ni Satanas na ang mga Banal sa Jackson County ay mapaalis ng masasamang tao. Sinunod ng masasamang tao ang ibig ni Satanas. Sinikap nilang mapaalis ang mga Banal. Nagtagpo ang mga galit na mandurumog. Ang mga mandurumog ay nagpadala ng ilang kalalakihan upang makipagkita sa mga pinuno ng Simbahan. Sinabi ng kalalakihan sa mga Banal na kinakailangan nilang umalis sa Jackson County. Subalit alam ng mga pinuno ng Simbahan na ibig ng Diyos na magtayo sila ng lungsod ng Sion sa Jackson County. Sinabi nila sa mga mandurumog na ang mga Banal ay hindi maaaring umalis. Ang masasamang tao ay muling nagbalik sa mga mandurumog. Ang mga mandurumog ay galit na galit. Pinasok nila ang palimbagan ng mga Banal at ito ay kanilang winasak. Hindi na makapaglimbag ang mga Banal ng mga aklat o mga pahayagan. Nahuli ng mga mandurumog sina Obispong Partridge at Kapatid na Allen at sila ay hinubaran. Nilagyan nila ng mainit na alkitran at mga balahibo ang kanilang mga balat. Natagpuan ng mga mandurumog ang ibang Banal at sila ay binugbog. Makalipas ang tatlong araw, ang masasamang tao ay nangabayo sa loob ng bayan. Pinagbabaril nila ang mga gusali. Nagsisigaw sila ng masasamang bagay sa mga Banal. Sinabi nila na gagarutihin nila ang sinumang kanilang mahuhuli. Sinubukan nilang hanapin ang mga pinuno ng Simbahan. Ang mga pinuno ng Simbahan ay nagtago sa mga mandurumog. Si Oliver Cowdery ay isa sa mga pinuno. Siya ay umalis ng Jackson County. Umalis siya upang makipagkita kay Joseph sa Kirtland. Sinabi ni Oliver kay Joseph kung ano ang mga pinaggagawa ng masasamang tao sa Sion. Ibig malaman ng mga Banal sa Jackson County kung ano ang dapat nilang gawin. Sinabi ni Joseph kay Oliver ang tungkol sa ibang paghahayag na ibinigay sa kanya ni Jesus. Sinabi ng Panginoon na ang mga Banal ay dapat magtayo ng templo sa Sion. Ang mga Banal ay dapat magbayad ng ikapu. Ang salapi sa ikapu ang magiging pambayad para sa templo. Sinabi ni Jesus kay Joseph na ang Sion ay magiging malaki kung ang mga Banal ay susunod sa Diyos. Ang mga Banal ay parurusahan kung sila ay hindi susunod sa Diyos. Doktrina at mga Tipan 97:10–12, 18, 22–26 Sinabi ni Jesus na ang mga Banal ay dapat sumunod sa mga batas ng bansa. Dapat iboto ng mga Banal ang mabubuting tao upang maging pinuno ng lupain. Kung minsan masasamang tao ang nagiging mga pinuno ng lupain. Ito ang nagdudulot ng kalungkutan sa mabubuting tao. Doktrina at mga Tipan 98:4–10 Inutusan ng Panginoon ang mga Banal na tigilan ang paggawa ng masasama. Sinabi ni Jesus sa mga Banal na hindi sila dapat magalala tungkol sa mga mandurumog. Hindi nila dapat kasuklaman ang masasamang tao. Dapat patawarin ng mga Banal ang kanilang mga kaaway. Makikipaglaban lamang sila kung sila ay inuutusan ng Diyos na makipaglaban. Ang Diyos ang magpaparusa sa masasamang tao. Doktrina at mga Tipan 98:11, 14, 23–29, 39–48 Di-nagtagal, sinabi ni Jesus na magkakaroon ng panandaliang problema ang mga Banal sa Sion. Sila ay hindi sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Balang-araw, si Jesus ay tutulong sa mga Banal na magtayo ng Sion. Pagkatapos, sila ay pagpapalain ni Jesus. Doktrina at mga Tipan 100:13–17