Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 20: Ang mga Kaloob ng Espiritu Santo: (ika-8 ng Marso 1831)


Kabanata 20

Ang mga Kaloob ng Espiritu Santo

(ika-8 ng Marso 1831)

Joseph receiving revelation

Hindi naunawaan ng ilang Banal ang tungkol sa Espiritu Santo. Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith ang tungkol sa Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ay tumutulong sa Ama sa Langit at kay Jesus. Ang Espiritu Santo ay walang katawan namay laman at buto. Siya ay isang espiritu.

child receiving Gift of the Holy Ghost

Sinabi ni Jesus na ang Espiritu Santo ay tumutulong sa mabubuting tao. Tumutulong siya sa Diyos na mabigyan ang mga tao ng mga natatanging kaloob. Bawat Banal ay may natatanging kaloob. Dapat gamitin ng mga Banal ang kanilang mga kaloob upang matulungan ang bawat isa. Sinabi ni Jesus kay Joseph Smith kung ano ang mga kaloobna ito.

member bearing his testimony

Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa ilang Banal ng kaloob na patotoo. Alam nila na si Jesucristo ay Anak ng Diyos. Alam nila na siya ay namatay para sa atin. Ang ibang Banal ay binigyan ng kaloob na maniwala sa mga patotoo tungkol kayJesus.

leader teaching his people

Ang ilang Banal ay binigyan ng kaloob na maging pinuno.

woman praying

Ang ilang Banal ay binigyan ng kaloob na malaman kung aling espiritu ang mabuti at aling espiritu ang masama. Ang mabubuting espiritu ay ipinadala ng Diyos. Pinaliligaya nila tayo. Sila ay parang mga ilaw. Ang masasamang espiritu ay ipinadala ni Satanas. Pinasasama nila tayo. Sila ay parang mga kadiliman.

man teaching from scriptures

Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa ilang Banal ng kaloob na maging marunong. Nakagagawa sila ng mabuting pagpili. Ang ilang Banal ay binibigyan ng kaloob na malaman ang mga bagay-bagay. Maaari nilang maituro ang natutuhan nila saibang Banal. Maaari nilang turuan ang ibang Banal na makapamili ng mabuti.

man blessing child

Ang ibang Banal ay binibigyan ng kaloob ng pananampalatayang gumaling. Ang ibang Banal ay binibigyan ng kaloob na gamutin ang mga may sakit. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa ilang Banal ng kaloob na gumawa ng mga himala. Ang mga himala ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos.

man speaking with Native American

Ang ibang Banal ay binibigyan ng kaloob na makapagsalita ng mga wikang hindi nila alam.

Joseph envisioning Salt Lake Temple

Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa ilang Banal ng kaloob na malaman kung ano ang mangyayari bago ito maganap.

man preaching

Ang ilang Banal ay binibigyan ng maraming kaloob.

bishop meeting with sister

Alam ng obispo kung anong kaloob ang mayroon sa bawat Banal. Alam niya kung sino ang mga magiging magaling na guro. Alam niya kung sino ang maaaring makagawa ng mga himala. Alam niya kung sino sa mga Banal ang nagmamahal sa Diyos at sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.

young girl kneeling in prayer

Ang mabubuting Banal ay maaaring magkaroon ng maraming kaloob. Dapat silang magsikap upang makamit ang mga kaloob na kailangan nila. Ang lahat ng kaloob na ito ay nanggaling sa Diyos.