Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 10: Ang Unang Himala sa Simbahan: (Abril 1830)


Kabanata 10

Ang Unang Himala sa Simbahan

(Abril 1830)

people attending church meeting

Ang sumunod na pagpupulong ng Simbahan ni Jesucristo ay noong Linggo, ika-11 ng Abril 1830. Ang mga miyembro ng Simbahan ay dumalo sa pagpupulong. Ang mga miyembro ay tinawag na mga Banal.

Oliver teaching the Gospel

Marami pang ibang tao ang dumalo sa pagpupulong. Sila ay hindi mga miyembro ng Simbahan. Itinuro ni Oliver Cowdery ang ebanghelyo ni Jesucristo sa kanila. Ang ilan sa mga tao ay naniwala kay Oliver at ibig sumapi sa Simbahan. Sila ay bininyagan pagkatapos ng pagpupulong.

Newel Knight

Ayaw ni Satanas na sumapi ang mga tao sa Simbahan. Tinangka ni Satanas na pasamain ang loob ng ilan sa mabubuting tao. Isa sa mga taong ito ay nagngangalang Newel Knight. Si Newel Knight ay hindi miyembro ng Simbahan. Ayaw ni Satanas na siya ay mabinyagan.

Newel Knight asked to pray

Hiniling ni Joseph kay Newel na manalangin sa isang pagpupulong. Sinabi ni Newel na siya ay mananalangin.

Newel Knight struggling to pray

Ayaw ni Satanas na sundin ni Newel si Joseph. Pumunta si Newel sa pagpupulong, subalit ayaw niyang manalangin. Sinabi niyang natatakot siyang manalangin nang malakas.

Newel Knight trying to pray

Di nagtagal ay pumunta si Newel Knight sa kakahuyan. Ibig niyang manalangin nang mag-isa. Ayaw ni Satanas na siya ay manalangin. Sinikap ni Newel na manalangin subalit hindi siya makapagsalita. Siya ay nagkasakit. Siya ay nalungkot at natakot. Umuwi si Newel sa kanilang tahanan.

Joseph blessing Newel

Nag-alala ang asawa ni Newel sa kanya. Hiniling niya kay Joseph na tulungan si Newel. Ginamit ni Joseph Smith ang kanyang kapangyarihan ng pagkasaserdote upang basbasan si Newel. Pagkatapos ay bumuting muli ang pakiramdam ni Newel. Wala na siyang sakit. Hindi na siya natatakot. Masaya na siya. Hindi na siya maaaring saktan ni Satanas. Di-nagtagal ay nabinyagan si Newel Knight.