Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 41: Ang Kaguluhan sa Kirtland: (1837)


Kabanata 41

Ang Kaguluhan sa Kirtland

(1837)

family

Ang mga Banal sa Kirtland, Ohio ay masaya. Sila ay pinagpala ng Panginoon.

elder preaching gospel

Ang ilan sa mga elder ay umalis ng Kirtland. Umalis sila upang magturo ng ebanghelyo sa mga tao. Maraming tao angnakinig sa mga elder at sumapi sa Simbahan.

people at bank in Kirtland

Pagkatapos ay nagsimula ang kaguluhan sa Kirtland. Ang mga Banal ay may bangko. Inilagay nila ang kanilang perasa bangko.

man stealing money from bank

Ang ilan sa mga Banal ay ibig kumuha ng maraming pera. Isang lalaki na nagtatrabaho sa bangko ay hindi tapat. Siya ay nagnakaw ng kaunting pera.

men experiencing sorrow

Sinabihan ni Joseph ang ibang kalalakihan na pangalagaang mabuti ang pera. Subalit ang kalalakihan ay hindi sumunod kay Joseph. Ang bangko ay kinailangang isara. Nawala ang lahat ang pera. Hindi na makuha muli ng mga Banal ang kanilang pera.

angry Saints

Marami sa mga Banal ang nagalit. Sinabi nila na kasalanan ni Joseph Smith ang pagkasara ng bangko. Ilan sa mga kaibigan ni Joseph ang nagsabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya. Ang ilan sa kanila ay ibig patayin si Joseph.

leaders leaving the Church

Ang ilan sa mga pinuno ng Simbahan ay nagalit. Hindi na nila ibig pa na maging miyembro ng Simbahan. Sila ay naging mga kaaway ng Simbahan. Sila ay masasama. Si Joseph Smith ay labis na nalungkot.

Brigham Young speaking to people

Ang ibang pinuno ng Simbahan ay nagmahal kay Joseph at tumulong sa kanya. Alam nila na ang Simbahan ni Jesucristo ay totoo. Si Brigham Young ay isa sa mabubuting pinuno. Sinabi ni Brigham sa mga Banal na alam niya na si Joseph ay isang propeta ng Diyos.

members leaving Kirtland

Ang mga kaaway ng Simbahan ay nagalit kay Brigham Young. Siya ay kinailangang umalis sa Kirtland upang siya ay hindi nila masaktan.

mobs attacking members in Kirtland

Ang mga kaaway ng Simbahan ay labis na lumikha ng kaguluhan sa Kirtland. Nagtungo sila sa templo at gumawang masasamang bagay.

mobs arguing about Joseph

Ang templo ay hindi na banal. Hindi na ito maaaring maging Bahay ng Panginoon. Si Joseph ay nalungkot sapagkat ang mga tao ay gumagawa ng masasamang bagay. Siya ay nagdamdam na nagkaroon ng labis na kaguluhan.