Mga Salitang Dapat Malaman
-
alkitranAng alkitran ay malagkit at maitim.
-
alkoholAng serbesa at alak ay may alkohol. Ang alkohol ay hindi mabuti para sa atin na inumin.
-
anghelAng anghel ay isa sa mga katulong ng Diyos. Ang anghel na si Moroni ay nakipag-usap kay Joseph Smith.
-
ApostolAng Apostol ay isang pinuno sa Simbahan ni Jesucristo. Sinabihan ni Jesus si Joseph Smith na nais Niya ng labindalawang Apostol.
-
baka, mgaAng mga baka ay mga hayop.
-
banalAng templo ay isang banal na gusali. Ang templo ay sa Diyos.
-
BanalAng banal ay isang miyembro ng Simbahan ni Jesucristo.
-
Banal na kasulatan, mgaAng mga banal na kasulatan ay mga aklat na nagsasabi sa atin ng tungkol sa Diyos. Ang Biblia, Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas ay mga banal na kasulatan ng Simbahan.
-
bantay, mgaAng mga bantay ang nagbantay sa mga kalalakihan sa piitan upang hindi sila makatakas.
-
bilibidAng bilibid ay isang lugar kung saan ang mga tao ay inilalagay at hindi maaaring makalabas. Ang bilibid ay katulad ng piitan.
-
bininyaganKapag tayo ay sumasapi sa Simbahan, tayo ay binibinyagan. Tayo ay inilulubog sa tubig at iniaahon muli.
-
bundokPinalakad ng mga tagabunsod ang kanilang bagon paakyat ng bundok.
-
kaawayAng isang kaaway ay isang tao na nasusuklam sa ibang tao. Pinagtangkaang patayin si Joseph Smith ng kanyang mga kaaway.
-
kaguluhanAng kaguluhan ay isang bagay na masama na nangyayari sa atin. Ang mga Banal sa Nauvoo ay nagkaroon ng maraming kaguluhan.
-
kaharianAng kaharian ng langit ay kung saan naninirahan ang Diyos.
-
kaloob, mgaAng mga kaloob ay mga bagay na ibinibigay sa mga tao. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng mga kaloob sa mga tao na mabubuti.
-
kapitanAng isang kapitan ay isang pinuno. Si Kapitan Allen ang pinuno ng mga kawal.
-
kasalAng kasal ay pagiging ikinasal.
-
katotohananSi Jesus ay nagtuturo sa mga tao ng katotohanan. Si Jesus ay nagtuturo sa mga tao kung ano ang tama.
-
kautusan, mgaAng mabubuting tao ay sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Ang mabubuting tao ay gumagawa ng nais ng Diyos na gawin nila.
-
kawal, mgaAng mga kawal ang nakikipaglaban sa isang hukbo.
-
kitaAng ibig sabihin ng kita ay pagkuha ng isang bagay sa pamamaraan ng pagtatrabaho para dito. Ang mga kalalakihan ay nagtrabaho para sa magsasaka. Sila ay kumita ng kaunting pera.
-
komperensiyaAng isang komperensiya ay isang malaking pagpupulong. Maraming miyembro ng Simbahan ang pumunta sa komperensiya.
-
kornetaAng korneta ay isang uri ng trumpeta.
-
dagatAng dagat ay malawak na katawan ng tubig alat.
-
dinakipSi Joseph Smith ay dinakip ng mga kawal. Si Joseph Smith ay hinuli ng mga kawal at ikinulong.
-
disipuloAng isang disipulo ay isang tao na sumusunod kay Jesus at nagsisikap na maging katulad niya.
-
diyakono, mgaAng mga batang lalaki ay maaaring maging diyakono kapag sila ay 12 taong gulang na. Ang mga diyakono ay maaaring magpasa ng sakramento.
-
ebanghelyoAng ebanghelyo ay ang itinuturo sa atin ni Jesus na gawin. Ang mga Banal ay naniniwala sa ebanghelyo ni Jesucristo.
-
elder, mgaAng mga elder ay kalalakihan na may pagkasaserdote.
-
endowmentAng endowment ay isang natatanging pangako o kaloob na galing sa Diyos.
-
espirituAng espiritu ay walang katawan na may laman at buto.
-
gobernadorAng gobernador ay pinuno ng estado.
-
gusaliAng templo ay isang malaking gusali.
-
hinati-hatiAng lupa ay hinati-hati ng pinuno. Ibinigay ng pinuno ang bahagi ng lupa sa bawat mag-anak.
-
hiniramHiniram ng lalaki ang kabayo ng kanyang kaibigan. Itinanong ng lalaki sa kanyang kaibigan kung maaari niyang gamitin ang kanyang kabayo.
-
humiramKapag tayo ay humiram ng isang bagay tayo ay nagtatanong sa kinauukulan kung ito ay maaari nating gamitin.
-
ibinaonAng mga laminang ginto ay ibinaon ni Moroni. Inilagay niya ang mga lamina sa isang butas sa lupa. Ang mga ito ay tinabunan niya ng lupa.
-
ikapuAng ikapu ay ang pera na ibinibigay natin sa Diyos.
-
ikinasalSi Joseph at si Emma ay ikinasal. Si Joseph ay asawa ni Emma. Si Emma ay maybahay ni Joseph.
-
inilaanKapag inilalaan natin ang isang bagay ito ay ating binabasbasan upang magamit para sa gawain ng Diyos. Inilaan ng mga Banal ang templo.
-
iligtasSi Jesus ay namatay upang iligtas tayo. Si Jesus ay namatay upang maaari tayong muling manirahan kasama ang Ama sa Langit.
-
ipagtanggolAng kalalakihan ay may mga baril upang ipagtanggol ang mga tao. Ang kalalakihan ay may mga baril upang pangalagaan ang kaligtasan ng mga tao. Ipinagtanggol ng Panginoon si Joseph Smith. Si Joseph Smith ay pinangalagaang ligtas ng Panginoon.
-
ipinako sa krusSi Jesus ay ipinako sa krus. Si Jesus ay pinatay. Siya ay ipinako sa krus at doon ay ibinitin hanggang siya ay mamatay.
-
isinalinAng Aklat ni Mormon ay isinalin ni Joseph Smith. Ang Aklat ni Mormon ay isinulat ni Joseph Smith sa mga salitang alam natin.
-
itiwalagAng mga miyembro ng Simbahan na gumagawa ng masasamang bagay ay maaaring itiwalag. Sila ay hindi na mga miyembro ng Simbahan.
-
lasonAng lason ay isang bagay na maaaring makamatay ng tao kung ito ay kainin o inumin nila. Tinangka ng mandurumog na ipainom kay Joseph ang lason.
-
lugar na pagbibinyaganAng mga simbahan at mga templo ay may mga lugar na pagbibinyagan. Ang mga tao ay binibinyagan sa lugar na ito.
-
mabubutiGinagawa ng mabubuting tao kung ano ang tama. Sila ay sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.
-
magandaKapag ang isang bagay ay maganda gusto natin na ito ay tinitingnan. Ang isang halamanan ay maganda. Ang templo ay maganda.
-
magbahagiAng ibig sabihin ng magbahagi ay magbigay ng bahagi ng kung ano ang mayroon tayo sa isang tao.
-
magdusaTayo ay nagdurusa kapag ang ating katawan ay nasaktan. Si Joseph Smith at ang kanyang mga kaibigan ay nagdusa sa piitan.
-
magmuraAng ibig sabihin ng magmura ay magsabi ng masasamang salita.
-
magnakawAng ibig sabihin ng magnakaw ay kumuha ng isang bagay na hindi sa iyo. Ninakaw ng mga mandurumog ang mga hayop ng mga Banal. Ang mga hayop ay kinuha ng mga mandurumog.
-
magsisiKung tayo ay nakagagawa ng isang bagay na masama tayo ay dapat na magsisi. Kung tayo ay nakagagawa ng isang bagay na masama tayo ay dapat na makadama ng kalungkutan at ito ay hindi na muling gawin pa.
-
magtiponAng ibig sabihin ng magtipon ay magsamasama na pumunta sa isang lugar. Sinabi ni Joseph Smith sa mga Banal na magtipon sa Missouri.
-
mambibitag, mgaAng mga mambibitag ay mga taong nanghuhuli ng mababangis na hayop. Ipinagbibili nila ang balahibo ng mga hayop.
-
manalanginAng ibig sabihin ng manalangin ay makipagusap sa Ama sa Langit. Si Joseph Smith ay nanalangin sa Ama sa Langit. Si Joseph Smith ay nakipag-usap sa Ama sa Langit.
-
maniwalaAng ibig sabihin ng maniwala ay isipin na ang isang bagay ay totoo. Maraming tao ang naniniwala sa ebanghelyo ni Jesucristo.
-
manlilimbagAng manlilimbag ay isang tao na naglilimbag ng mga aklat.
-
masamaAng lalaki ay gumawa ng mga masasamang bagay. Si Satanas ay masamang espiritu.
-
masamang espiritu, mgaAng masasamang espiritu ay sumusunod kay Satanas.
-
misyonAng Apostol ay nagtungo sa misyon. Ang Apostol ay umalis upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo.
-
misyoneroAng misyonero ay isang tao na nagpupunta sa misyon.
-
miyembroAng mga tao ay miyembro ng Simbahan. Ang mga tao ay nabinyagan at nabilang sa Simbahan.
-
nabuhay na mag-uliSi Jesucristo ay nabuhay na mag-uli. Siya ay namatay. Siya ay nabuhay muli. Ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli pagkatapos na sila ay mamatay.
-
nag-amponSina Joseph at Emma ay nag-ampon ng kambal na bata. Ang kambal na bata ay ginawangkabilang sa kanilang mag-anak nina Joseph at Emma.
-
nagpasiyaSina Emma at Joseph ay nag-alinlangan kung sila ay pupunta sa Pennsylvania o mananatili sa New York. Sila ay nagpasiya na pumunta sa Pennsylvania.
-
nakalimbagAng mga salita sa librong ito ay nakalimbag sa papel.
-
nadakipSi Joseph Smith ay nadakip ng mga kawal. Si Joseph Smith ay hinuli ng mga kawal at siya ay ikinulong sa piitan.
-
nagmuraNagmura ang mga bantay sa piitan. Ang mga bantay sa piitan ay nagsabi ng masasamang salita.
-
nagtayoAng mga tagabunsod ay nagtayo ng kanilang mga bahay mula sa mga troso. nagyabang Ang mga bantay sa piitan ay nagyabang tungkol sa kanilang ginawa. Sila ay masaya tungkol dito.
-
nangaralSi Joseph Smith ay nangaral sa tao. Nakipagusap si Joseph Smith sa mga tao at sinabihan sila ng tungkol sa ebanghelyo.
-
naordenanAng ibig sabihin ng naordenan ay binigyan ng pagkasaserdote. Ang lalaki ay naordenan ni Joseph Smith. Ibinigay ni Joseph Smith sa lalaki ang pagkasaserdote.
-
nilikhaNilikha ni Jesucristo ang daigdig. Si Jesucristo ang gumawa ng daigdig.
-
ninuno, mgaAng ating mga ninuno ay ang mga tao sa ating mag-anak na naunang nabuhay sa atin.
-
obispoAng obispo ay isang pinuno sa Simbahan. Ang pinuno ng isang purok ay ang obispo.
-
patotooAng patotoo ay isang damdamin na ang ebanghelyo ay totoo. Ang lalaki ay mayroong patotoo na ang ebanghelyo ay totoo.
-
patriyarkaAng patriyarka ay nagbibigay ng natatanging mga pagbabasbas sa mga tao. Ang ama ni Joseph Smith ay naging patriyarka.
-
pag-aayunoAng pag-aayuno ay pagtitiis na walang pagkain o tubig. Ang mga tao ay nag-ayuno sa loob ng ng tatlong araw. Ang mga tao ay hindi kumain o uminom ng anumang bagay sa loob ng tatlong araw.
-
pagalinginAng ibig sabihin ng pagalingin ay gawing mahusay ang mga may sakit na tao. Si Joseph Smith ay binasbasan ni Newel Whitney. Si Joseph Smith ay gumaling.
-
pagkasaserdoteAng pagkasaserdote ay ang kapangyarihan ng Diyos.
-
pagpili, mgaTayo ay hinahayaan ng Ama sa Langit na gumawa ng mga pagpipilian. Tayo ay hinahayaan ng Ama sa Langit na makapagpasiya kung ano ang ating gagawin.
-
pamunuanAng ibig sabihin ng pamunuan ang mga tao ay ipakita o sabihin sa kanila kung ano ang gagawin. Ang propeta ang namumuno sa Simbahan.
-
panalangin, mgaAng mga tagabunsod ay umusal ng kanilang mga panalangin at nahiga. Ang mga tagabunsod ay nanalangin at natulog.
-
pananampalatayaAng magkaroon ng pananampalataya ay ang umasa sa mga bagay na hindi nakikita ngunit totoo. Tayo ay may pananampalataya kay Jesucristo. Tayo ay naniniwala sa kanya at sumusunod sa kanya.
-
pangitainAng pangitain ay isang bagay na hinahayaan ng Diyos na makita natin. Nakita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa isang pangitain.
-
panguloAng pangulo ay isang pinuno. Ang pangulo ng Simbahan ay ang pinuno.
-
panguluhanAng panguluhan ng Simbahan ay ang pangulo at ang kanyang mga tagapayo.
-
patawarinAng ibig sabihin ng patawarin ay kalimutan ang mga masasamang bagay na nagawa ng isang tao. Tayo ay patatawarin ng Diyos kung tayo ay nagsisisi sa mga masasamang bagay na ating nagawa at hindi na kailanman muli gagawin ang mga ito.
-
piitanAng kalalakihan ay inilagay sa piitan. Ang mga kalalakihan ay ikinulong upang hindi sila makatakas.
-
piliinTayo ay hinahayaan ng Diyos na piliin ang maging mabuti o maging masama. Tayo ay pumipili ng mga tao na magiging mga pinuno. Si Brigham Young ang pinili ng Diyos na mamuno sa mga Banal.
-
pinunoAng propeta ay ang pinuno ng Simbahan.
-
prinsaAng mga Banal ay nagtayo ng prinsa sa ilog. Ang prinsa ang pumipigil sa pag-agos ng tubig.
-
propetaAng propeta ang nagsasabi sa mga tao kung ano ang nais ng Diyos na malaman nila. Si Joseph Smith ay naging propeta.
-
pugo, mgaAng mga pugo ay mga ibon.
-
SabbathAng Sabbath ay ang araw na tayo ay pumupunta sa Simbahan. Tayo ay hindi dapat gumawa sa Sabbath. Ang Linggo ay ang araw ng Sabbath.
-
sakramentoTayo ay tumatanggap ng sakramento upang alalahanin si Jesus. Tayo ay kumakain ng tinapay at umiinom ng tubig upang alalahanin si Jesus.
-
saksi, mgaNakita ng mga saksi ang mga laminang ginto. Sinabi nila na ang mga laminang ginto ay totoo.
-
sambahinAng ibig sabihin ng sambahin ay mahalin at sundin. Nais ni Satanas na sambahin siya ni Moises. Nais ni Satanas na mahalin at sundin siya ni Moises.
-
saserdote, mgaAng mga saserdote ay mayroong pagkasaserdote. Ang mga saserdote ay kalalakihan na tumutulong sa Simbahan.
-
sinakalSi Joseph Smith ay sinakal ng kalalakihan.
-
sinalakayAng mga Banal ay sinalakay ng mga mandurumog. Ang mga Banal ay sinimulan na awayin ng mga mandurumog.
-
sinisiSi Joseph Smith ay sinisi ng mga tao sa kaguluhan. Sinabi ng mga tao na si Joseph Smith ang gumawa ng kaguluhan.
-
sugatIsang lugar kung saan ang katawan ng isang tao ay nasaktan o nahiwa.
-
sumapiAng mga tao ay sumapi sa Simbahan. Ang mga tao ay nabinyagan at naging mga miyembro ng Simbahan.
-
sumunodAng ibig sabihin ng sumunod ay gawin kung ano ang sinasabi sa atin na gawin. Tayo ay dapat sumunod sa mga kautusan ng Diyos.
-
tabakoAng ilang tao ay nagsisigarilyo at ngumunguya ng tabako. Ang tabako ay hindi mabuti para sa atin.
-
tagapayo, mgaAng mga tagapayo ay mga tao na tumutulong sa isang pinuno. Ang propeta ng Simbahan ay may mga tagapayo.
-
tanim, mgaAng mga tagabunsod ay nagtanim. Ang mga tagabunsod ay nagtanim ng mais, patatas, trigo at iba pang bagay.
-
tapatAng mga taong tapat ay hindi nagsasabi ng mga kasinungalingan. Ang mga tapat na tao ay hindi kumukuha ng mga bagay na hindi sa kanila.
-
temploAng templo ay bahay ng Diyos.
-
tipanAng tipan ay isang pangako. Tayo ay nangangako sa Diyos na gagawa ng isang bagay. Tayo ay gumagawa ng isang tipan sa Diyos.
-
tuksuhinSinusubukan tayong tuksuhin ni Satanas. Tayo ay sinubukang pagawin ni Satanas ng mga bagay na masama.
-
tulayAng mga tagabunsod ay tumawid ng ilog sa ibabaw ng tulay.
-
tumakasAng ibig sabihin ng tumakas ay tumalilis sa isang tao o dili kaya sa isang bagay. Sinubukan ng kalalakihan na tumakas mula sa piitan. Si Joseph Smith ay tumakas mula sa mga mandurumog.
-
tumawidAng mga tagabunsod ay tumawid ng ilog. Ang mga tagabunsod ay pumunta sa kabilang panig ng ilog.
-
walang-hangganAng ibig sabihin ng walang-hanggan ay palagi. Tayo ay maaaring manirahan na kasama ang Ama sa Langit nang walang-hanggan kung tayo ay sumusunod sa kanyang mga kautusan.
-
wasakinAng ibig sabihin ng wasakin ay sirain, baliin, sunugin, o patayin. Winasak ng mga mandurumog ang templo.
-
wikaAng mga salita na ginagamit natin sa pagsulat o sa pakikipag-usap sa ibang tao ay tinatawag na wika.