Mga Lugar na Dapat Malaman
-
Adam-ondi-AhmanAng Adam-ondi-Ahman ay nasa estado ng Missouri. Dinalaw ni Jesus si Adan doon noong unang panahon.
-
AmerikaAng Amerika ay ang lupain na kung saan ay tinirahan ng mga tao sa Aklat ni Mormon matagal nang panahon ang nakakaraan.
-
ArizonaAng Arizona ay nasa kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Si Brigham Young ay nagpadala ng mga Banal sa Arizona upang magtayo ng mga bayan doon.
-
Burol CumorahAng Burol Cumorah ay malapit sa tahanan ni Joseph Smith sa estado ng New York. Ang mga laminang ginto ay ibinaon sa Burol Cumorah.
-
CaliforniaAng California ay nasa kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Si Brigham Young ay nagpadala ng mga Banal sa California upang magtayo ng mga bayan doon.
-
CarthageAng Carthage ay isang bayan sa estado ng Illinois. Sina Joseph at Hyrum Smith ay napatay sa Piitang Carthage.
-
ColoradoAng Colorado ay isang estado sa kanlurang bahagi ng Estados Unidos.
-
Council BluffsAng Council Bluffs ay naging isang bayan sa mga kapatagan ng Estados Unidos.
-
kahariang selestiyal ng langitAng kahariang selestiyal ng langit ay ang lugar na kung saan ang Ama sa Langit at ni Jesus ay naninirahan. Ang mabubuting Banal ay doon maninirahan pagkatapos silang mabuhay na mag-uli.
-
kahariang telestiyal ng langitAng mga taong hindi mabubuti dito sa mundo ay maninirahan sa kahariang telestiyal ng langit matapos silang mabuhay na mag-uli.
-
kahariang terestriyal ng langitAng mabubuting tao na hindi sumunod sa lahat ng kautusan ng Diyos dito sa mundo ay maninirahan sa kahariang terestriyal ng langit matapos silang mabuhay na mag-uli.
-
KirtlandAng Kirtland ay isang bayan sa estado ng Ohio. Ang mga Banal ay nagtayo ng templo sa Kirtland.
-
Dagat PasipikoAng Dagat Pasipiko ay nasa kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Ang Batalyong Mormon ay nagmartsa hanggang sa Dagat Pasipiko.
-
EgiptoAng Egipto ay isang lupain na kung saan sina Abraham at Moises ay nanirahan noong unang panahon.
-
Estados UnidosAng Estados Unidos ay isang lupain sa Hilagang Amerika. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay sinimulan sa Estados Unidos.
-
Far WestAng Far West ay naging bayan sa estado ng Missouri. Ang mga Banal ay tumira nang saglit sa Far West.
-
FayetteAng Fayette ay isang bayan sa estado ng New York. Sinimulan ni Joseph Smith ang Simbahan sa Fayette.
-
Great Salt Lake ValleyAng Great Salt Lake Valley ay nasa kanlurang bahagi ng Estados Unidos.
-
Halamanan ng GetsemaniAng Halamanan ng Getsemani ay malapit sa Jerusalem. Si Jesus ay nagdusa at nilabasan ng dugo sa bawat pinakamaliliit na butas ng balat sa Halamanan ng Getsemani.
-
HarmonyAng Harmony ay isang bayan sa Pennsylvania na tinirahan ni Joseph Smith.
-
Haun’s MillAng Haun’s Mill ay naging isang bayan sa estado ng Missouri. Ang mga mandurumog ay nakapatay ng maraming Banal sa Haun’s Mill.
-
IdahoAng Idaho ay nasa kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Nagpadala ng mga Banal si Brigham Young upang magtayo ng mga bayan sa Idaho.
-
IllinoisAng Illinois ay isang estado sa Estados Unidos. Ang Nauvoo at ang Carthage ay mga bayan sa Illinois.
-
Ilog MississippiAng Ilog Mississippi ay malapit sa lungsod ng Nauvoo. Tinawid ng mga Banal ang Ilog Mississippi nang lisanin nila ang Nauvoo.
-
IndependenceAng Independence ay isang lungsod sa Jackson County, Missouri. Sinabi ni Jesus na ang Sion ay itatayo malapit sa Independence.
-
IsraelAng Israel ay ang lupain na may maraming nakatirang mga Judio.
-
Jackson CountyAng Jackson County ay nasa estado ng Missouri. Pinaalis ng mga mandurumog ang mga Banal mula sa Jackson County.
-
JerusalemAng Jerusalem ay isang lungsod sa Israel. Si Jesus ay pupunta sa Jerusalem sa pagbabalik niya sa mundo.
-
langitAng langit ay ang pook na kung saan naninirahan ang Ama sa Langit at si Jesus. Tayo ay nanirahan sa langit bago tayo pumarito sa mundo.
-
LibertyAng Liberty ay isang bayan sa Missouri. Si Joseph Smith ay nabilanggo sa Piitang Liberty.
-
Lungsod ng Salt LakeItinayo ng mga tagabunsod ang Lungsod ng Salt Lake. Ito ay nasa Lambak ng Great Salt Lake.
-
MissouriAng Missouri ay isang estado sa Estados Unidos. Ang Independence ay isang lungsod sa Missouri.
-
mundoAng mundo ay ang pook na tinitirahan natin ngayon. Si Jesus ang lumikha ng mundo.
-
NauvooAng Nauvoo ay isang lungsod sa estado ng Illinois. Ang mga Banal ay tumira sa Nauvoo at nagtayo ng isang templo doon.
-
New YorkAng New York ay isang estado sa Estados Unidos. Ang Burol Cumorah ay nasa New York. Ang Fayette ay nasa New York.
-
OhioAng Ohio ay isang estado sa Estados Unidos. Ang Kirtland ay isang bayan sa Ohio.
-
PalestinaAng Palestina ay ang lupain na tinitirahan ng mga Israelita.
-
PalmyraAng Palmyra ay isang bayan sa New York kung saan si Joseph Smith ay lumaki.
-
PennsylvaniaAng Pennsylvania ay isang estado sa Estados Unidos. Ang mag-anak ni Emma Smith ay tumira sa Pennsylvania.
-
PuebloAng Pueblo ay isang lungsod sa estado ng Colorado. Ang mga mag-anak ng kalalakihan sa Batalyong Mormon ay iniwan sa Pueblo.
-
QuincyAng Quincy ay isang bayan sa estado ng Illinois.
-
Rocky MountainsAng Rocky Mountains ay nasa kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Tinawid ng mga tagabunsod ang Rocky Mountains at nagtungo sa Great Salt Lake Valley.
-
SionAng Sion ay ang lungsod na itinayo ni Enoc. Balangaraw magkakaroon ng iba pang lungsod na nagngangalang Sion. Ito ay sa Jackson County, Missouri.
-
UtahAng Utah ay isang estado sa Estados Unidos. Ang lungsod ng Salt Lake ay nasa Utah.
-
VermontAng Vermont ay isang estado sa Estados Unidos. Si Joseph Smith ay ipinanganak sa Vermont.
-
Winter QuartersAng Winter Quarters ay isang bayan sa mga kapatagan ng Estados Unidos.
-
WyomingAng Wyoming ay isang estado sa kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Si Brigham Young ay nagpadala ng mga Banal upang magtayo ng mga bayan sa Wyoming.