Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 60: Nagpatuloy sa Paglalakbay ang mga Tagabunsod: (Marso 1846–Hunyo 1846)


Kabanata 60

Nagpatuloy sa Paglalakbay ang mga Tagabunsod

(Marso 1846–Hunyo 1846)

Sa simula ng tagsibol muling nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Banal. Noon ay napakalamig pa rin. Ilan sa mga tao ay nagkasakit at namatay.

Native Americans

Ang mga daan ay napakasama. Ang mga tao ay kinailangang maglakbay nang dahandahan. Ang lupain ay patag na may mangilan-ngilang maliliit na burol. Ang lupain ay natatakpan ng matataas na damo. Ang ganitong uri ng lupain ay tinatawag na kapatagan. Ang mga Indiyan ay nakatira sa mga kapatagan. Doon ay walang mga lungsod o sakahan.

men cutting down trees

Nagpadala si Brigham Young ng kalalakihan upang maghanap ng mabubuting lugar para pagkampuhan ng mga tao. Pumutol sila ng mga punong-kahoy at gumawa ng mga trosong-bahay. Nagtayo sila ng mga tulay patawid sa mga sapa. Ginawa nilang mas madali ang paglalakbay ng mga tao. Ang mga nagsipaglakbay na Banal sa Kanluran ay tinawag na mga tagabunsod.

Saints crossing river by ferry

Ang mga tagabunsod ay sumapit sa isang malawak na ilog. Ang lugar na tinigilan nila ay tinawag na Council Bluffs. Dumating ang iba pang Banal upang sumama sa kanila. Nagtayo sila ng mga kampo sa malapit. Namalagi doon ang mga tagabunsod hanggang tag-araw.