Kabanata 31 Ang Salita ng Karunungan (Pebrero 1833) Sinimulan ni Joseph Smith ang isang paaralan para sa kalalakihan ng Simbahan. Ito ay tinawag na Paaralan ngmga Propeta. Ang paaralan ay nasa isang silid sa tindahan ni Newel Whitney sa Kirtland, Ohio. Tinuruan ni Joseph ang kalalakihan tungkol sa Simbahan. Sila ay tinuruan niya ng tungkol sa pagkasaserdote at tungkol sa mga banal na kasulatan. Marami sa kalalakihan ang nagpipipa o naninigarilyo. Ang silid ay puno ng usok. Ang ilang sa kalalakihan ayngumunguya ng tabako. Ang sahig ay naging madumi. Ang silid ay kinakailangang linisin kapag nagsiuwi sa kanilang mga tahanan ang kalalakihan. Kinailangang linisin ng asawa ni Joseph na si Emma ang silid matapos ang bawat pagpupulong. Nag-isip si Joseph kung ang kalalakihan ay dapat manigarilyo o ngumuya ng tabako. Si Joseph ay nanalangin at nagtanong sa Diyos kung ano ang tama. Binigyan ni Jesus si Joseph ng isang paghahayag. Ito ay tinatawag na Salita ng Karunungan. Sinabi ni Jesus na ang ilang tao ay gumagawa ng masasamang bagay. Ibig nilang ang ibang tao ay gumawa ng mga bagay na hindi makabubuti sa kanilang mga katawan. Sa Salita ng Karunungan, sinabi ni Jesus sa mga Banal ang mga bagay na makabubuti para sa kanilang mga katawan. Sinabi niya ang tungkol sa mga bagay na makasasama para sa kanilang mga katawan. Ang mgaBanal ay pagpapalain kung susundin nila ang Salita ng Karunungan. Doktrina at mga Tipan 89:1, 4 Sinabi ni Jesus na ang alkohol ay hindi mabuti para sa tao. Hindi sila dapat uminom ng mga inumin na may alkohol. Ang alkohol ay dapat lamang gamitin sa labas ng katawan. Doktrina at mga Tipan 89:5–7 Sinabi ni Jesus na ang tao ay hindi dapat gumamit ng tabako. Hindi sila dapat manigarilyo, manabako o humithit ng pipa. Hindi sila dapat ngumuya ng tabako. Sinabi ni Jesus, Ang tabako ay hindi para sa katawan at ito ay hindi mabuti parasa tao.” Doktrina at mga Tipan 89:8 Sinabi ni Jesus na ang mga Banal ay hindi dapat uminom ng maiinit na inumin. Ang tsaa at ang kape ay mga maiinit na inumin. Ang mga ito ay hindi mabuti para sa katawan. Doktrina at mga Tipan 89:9 Sinabi ni Jesus na maraming halaman at hayop ang mabuti para kainin ng tao. Ang tao ay dapat magpasalamat sa Ama sa Langit para sa mga pagkaing mabuti para sa katawan. Doktrina at mga Tipan 89:11–12 Sinabi ni Jesus na ang tao ay hindi dapat kumain ng sobrang karne. Ang tao ay dapat kumain ng karne kung ang panahon ay malamig. Dapat silang kumain ng karne kung walang sapat na ibang pagkain. Doktrina at mga Tipan 89:12, 13 Sinabi ng Panginoon na ang lahat ng butil ay mabuti para sa ating katawan. Ang ilan sa mga butil ay trigo, palay, mais, at abena. Ang trigo ay napakabuti para sa atin. Ang lahat ng prutas at gulay ay mabuti para sa tao. Doktrina at mga Tipan 89:14–17 Sinabi ni Jesus na dapat sundin ng mga Banal ang Salita ng Karunungan. Pagkatapos sila ay pagpapalain ng Diyos. Magkakaroon sila ng mabuting kalusugan. Sila ay magiging matalino. Maaari nilang matutuhan ang maraming bagay. Sila ay pagpapalain kung kakainin nila ang mga tamang pagkain. Doktrina at mga Tipan 89:18–21