Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 46: Si Joseph Smith sa Piitang Liberty: (Marso 1839)


Kabanata 46

Si Joseph Smith sa Piitang Liberty

(Marso 1839)

Joseph and friends being taken to Liberty Jail

Maraming araw na si Joseph Smith at ang kanyang mga kaibigan ay nasa piitan. Pagkatapos sila ay dinala sa ibang piitan. Ito ay sa Liberty, Missouri.

Joseph and friends in Liberty Jail

Malamig at marumi sa Piitang Liberty. Labis na nahirapan si Joseph at ang kanyang mga kaibigan. Kung minsan sila ay kinakadenahan. Kinailangan nilang matulog sa sahig.

Joseph holding sick friend

Ang pagkain ay hindi mainam. Kung minsan ito ay nilalagyan ng lason at ito ay nagdudulot sa kanila ngkaramdaman.

Joseph worrying

Si Joseph ay nalungkot. Siya at ang kanyang mga kaibigan ay nakulong sa piitan nang mahabang panahon. Hindi alam ni Joseph kung sila ay makalalaya pa. Siya ay nag-alala tungkol sa Simbahan.

Joseph praying

Nanalangin si Joseph sa Ama sa Langit. Itinanong niya kung hanggang kailan kinakailangang magdusa siya at ang mga Banal. Hiniling niya sa Ama sa Langit na tulungan sila. Hiniling ni Joseph sa Ama sa Langit na parusahan ang kanilang mga kaaway.

Joseph envisioning his friends

Sinabi ni Jesus kay Joseph na siya ay magdurusa na lamang sa maikling panahon. Sinabihan niya si Joseph na maging matatag. Pagkatapos siya ay pagpapalain ng Diyos. Sinabi ni Jesus na sa madaling panahon makakasama na ni Joseph ang kanyang mga kaibigan. Mahal si Joseph ng kanyang mga kaibigan at sila ay maliligayahan na makita siya.

men dying in battle

Alam ni Jesus kung ano ang ginawa ng masasamang tao. Sinabi niya kay Joseph kung paano niya sila parurusahan. Ang masasamang tao ay hindi kailanman maaaring magkaroon ng pagkasaserdote. Ang kanilang mga anak ay hindi kailanman maaaring magkaroon ng pagkasaserdote. Magdurusa at mamamatay ang masasamang tao.

Joseph envisioning the Saints

Sinabi ni Jesus kay Joseph na maraming mabubuting bagay ang mangyayari sa mga Banal. Walang makapipigil sa Diyos sa pagpapala sa kanila. Ang Espiritu Santo ang magsasabi sa kanila ng mga kamangha-manghang bagay tungkol sa kapangyarihan ng Diyos. Matututuhan nila ang tungkol sa langit at lupa.

Joseph envisioning sacrifice of Christ

Sinabi ni Jesus na si Joseph ay hindi dapat matakot kung siya ay kinakailangang magdusa. Si Joseph ay hindi dapat na mag-alala kung siya ay may mga ligalig. Sinabi ni Jesus na ang mga ligalig ay para sa ating kabutihan. Ang mga ligalig ay tumutulong sa atin na matuto. Si Jesus ay nagdusa nang higit sa kaninuman.