Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 14: Ang Propeta at ang mga Paghahayag para sa Simbahan: (Setyembre 1830)


Kabanata 14

Ang Propeta at ang mga Paghahayag para sa Simbahan

(Setyembre 1830)

Hiram Page holding stone

Lumipat sina Joseph Smith at Emma sa New York. Isang lalaking nagngangalang Hiram Page ang nakatira roon. Siya ay miyembro ng Simbahan. Mayroon siyang bato. Sinabi niyang nakatutulong sa kanya ang bato upang makatanggap ng mga paghahayag para sa Simbahan.

Joseph speaking to Hiram Page

Maraming miyembro ng Simbahan ang naniwala kay Hiram Page. Naniwala si Oliver Cowdery sa kanya. Inakala ng ilang tao na si Hiram ay isang propeta.

Doktrina at mga Tipan 28: Paunang Salita

Joseph receiving revelation

Nagtanong si Oliver kay Joseph tungkol kay Hiram Page. Nanalangin si Joseph. Nagbigay si Jesus ng isang paghahayag kay Joseph para kay Oliver Cowdery. Sinabi niya na isang tao lamang ang maaaring makatanggap ng paghahayag para saSimbahan. Ang taong iyon ay ang Propetang si Joseph Smith.

Joseph consoling Oliver

Sinabi ni Jesus na ang mga tao ay maaaring makatanggap ng paghahayag para sa kanilang sarili. Subalit ang propeta lamang ang makatatanggap ng paghahayag para sa buong Simbahan. Naniwala si Oliver kay Joseph. Alam niya na angmga paghahayag ni Hiram Page ay mali.

Oliver speaking to Hiram Page

Pagkatapos ay sinabi ni Jesus kay Oliver na kausapin si Hiram Page. Sinabi ni Oliver kay Hiram na ang kanyang mga paghahayag ay hindi galing sa Diyos. Ang mga paghahayag na ito ay galing kay Satanas.

Hiram Page pondering

Sinabi ni Oliver na nalinlang ni Satanas si Hiram Page. Nakinig si Hiram kay Oliver. Nagsisi siya.

Joseph holding scriptures

Tanging isang tao lamang ang makatatanggap ng mga paghahayag para sa Simbahan. Ang taong iyon ay ang Pangulo ng Simbahan. Siya ang pinuno ng Simbahan. Siya ang propeta ng Diyos. Dapat sundin ng mga miyembro ng Simbahan ang propeta.