Kabanata 22 Ang mga Banal sa Missouri (Hulyo–Agosto 1831) Ang Propetang Joseph Smith, sina Sidney Rigdon, Edward Partridge, at iba pa ay pumunta sa Missouri. Maligayangmaligaya silang umalis. Ibig nilang itayo ang lungsod ng Sion. Ibig nilang ipakita ng Panginoon sa kanila ang tamang pook. Sa isang bahagi ng kanilang paglalakbay, sila ay sumakay sa isang barko. Pagdating nila sa Missouri, ibig ni Joseph na maglakad. Alam niya na ang lupa ng Missouri ay banal. Ibig niyang makita ito. Si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ay naglakad ng tatlong daang milya patungo sa Jackson County. Noon aymainit subalit hindi nila ito ininda. Ibig nilang pumunta roon upang itayo ang Sion. Ang propeta at ang kanyang mga kaibigan ay pumunta sa Jackson County, Missouri. Sinalubong sila ng mga misyonerona nanggaling sa Kirtland. Makalipas ang ilang araw, ang mga Banal na galing sa New York ay pumunta rin sa Jackson County. Ang lahat aymaligaya na makarating doon. Sinabi nina Propetang Joseph at Obispong Edward Partridge sa mga tao kung ano ang dapat nilang gawin. Ang ilan aydapat bumili ng lupa sa Missouri. Sina Oliver Cowdery at William W. Phelps ay dapat magsimula ng mga paaralan. Dapat silang sumulat ng mga aklat na mababasa ng maliliit na bata. Doktrina at mga Tipan 55:4 Ibig malaman ni Joseph kung saan itatayo ang lungsod ng Sion. Nanalangin siya sa Ama sa Langit. Ang kanyangpanalangin ay sinagot. Sinabi ng Panginoon na ang Sion ay itatayo malapit sa lungsod ng Independence sa Jackson County, Missouri. Sinabi ng Panginoon kay Joseph kung saan itatayo ang templo. Sinabi niya na ang Sion ay hindi kaagad-agad maitatayo. Ang mga Banal ay magkakaroon muna ng maraming kaguluhan. Subalit maaari nilang itayo ang Sion kung mayroon na silang sapat na pananampalataya. Doktrina at mga Tipan 57:1–3; 58:2–4 Sinabi ng Panginoon kay Joseph na dapat sundin ng mga Banal ang batas ng Missouri. Dapat nilang sundin ang mga kautusanng Diyos. Dapat silang gumawa ng mabubuting bagay kahit hindi sila pinagsasabihan. Dapat pagsisihan ng mga Banal ang kanilang mga kasalanan. Hindi na inaaalala ng Panginoon ang mga kasalanan ng mga tao kapag sila ay nagsisisi. Doktrina at mga Tipan 58:21, 27–29, 42 Sinabi ng Panginoon na dapat ilaan ni Sidney Rigdon ang lupain. Tinanong ni Sidney Rigdon ang mga Banal kung sila ay nagpapasalamat para sa mga lupain. Tinanong niya kung susundin nila ang lahat ng kautusan ng Diyos. “Oo,” ang sabi ng mga Banal. Pagkatapos ay nanalangin si Sidney Rigdon at inilaan ang lupain. Doktrina at mga Tipan 58:57 Kinabukasan sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, Sidney Rigdon at ilan sa kanilang mga kaibigan ay nagkaroon ng pagpupulong. Nagpulong sila sa isang natatanging lugar sa Independence. Nagbasa sila ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay nanalangin sila. Inilaan ni Joseph Smith ang lugar kung saan ang templo ay itatayo. Lahat ng Banal sa Missouri ay dumalo sa isang komperensiya. Napuspos sila ng Espiritu Santo. Sinabi ni Joseph sa mga Banal na pagpapalain sila ng Diyos kung tutuparin nila ang kanilang mga pangako. Makalipas ang ilang araw, binigyan ni Jesus si Joseph ng iba pang paghahayag. Sinabi niya na ang Linggo ay isang natatanging araw. Ang Linggo ay ang araw na dapat nating gawin ang mga bagay na tutulong sa ating maalala si Jesus. Hindi tayo dapat na gumawa kung Linggo. Dapat tayong pumunta sa Simbahan at tumanggap ng sakramento. Dapat nating pagsisihan ang ating mga kasalanan. Dapat nating dalawin ang may sakit. Dapat tayong magpasalamat sa lahat ng ating biyaya. Dapat nating laging sundin ang mgakautusan ng Diyos. Doktrina at mga Tipan 59:3–15 Ang mga Banal na gagawa ng mga bagay na ito ay magkakaroon ng lahat ng mabuting bagay na kanilang kailangan. Magkakaroon sila ng pagkain, damit, bahay, at halamanan. Sila’y magiging maligaya. Magkakaroon sila ng kapayapaan sa buhay na ito. Magkakaroon sila ng buhay na walang hanggan. Doktrina at mga Tipan 59:15–19, 23