Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 32: Ang Simbahan ni Jesucristo sa Kirtland: (Marso–Hunyo 1833)


Kabanata 32

Ang Simbahan ni Jesucristo sa Kirtland

(Marso–Hunyo 1833)

Joseph Smith and his counselors

Propeta ng Simbahan ni Jesucristo si Joseph Smith. Sinabi ng Panginoon na si Joseph Smith ay dapat magkaroon ng mga tao na tutulong sa kanya. Sila ang kanyang magiging mga tagapayo. Sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay dapat maging tagapayo niya. Si Joseph Smith at ang kanyang mga tagapayo ang naging Unang Panguluhan ng Simbahan.

Joseph ordaining his counselors

Sa ngayon ang buhay na propeta ang pinuno ng Simbahan. Siya at ang kanyang mgatagapayo ay tinatawag na Unang Panguluhan.

modern-day prophet

Si Joseph Smith at ang kanyang mga tagapayo ay naordenan sa isang pagpupulong sa Kirtland, Ohio. Ito ay isang banal na pagpupulong. Ang lahat ng tao sa pagpupulong ay tumanggap ng sakramento.

Saints gathering

Lumipas ang ilang linggo, sinimulan ni Joseph Smith ang unang istaka ng Simbahan. Ang istaka ay binubuo ngmaraming miyembro ng Simbahan na naninirahan nang malapit sa isa’t isa. Ang lahat ng Banal sa Kirtland ay kabilang sa unang istaka. Sa ngayon, ang Simbahan ay mayroong maraming istaka.

Saints building Kirtland Temple

Pagkatapos sinabi ni Jesus na ang mga Banal ay dapat na magtayo ng maraming gusali ng simbahan. Sila ay dapat na magtayo ng templo sa Kirtland. Sila ay kailangang magtayo ng isang lugar na pagtratrabahuan ng Unang Panguluhan. Kailangan din ng Simbahan ang isang palimbagan.

Saints framing Kirtland Temple

Ang mga Banal ay sumunod sa Panginoon. Sinimulan nilang itayo ang Templo sa Kirtland. Mahirap na gawain ang magtayo ng templo. Ang lahat ng Banal ay kinailangang tumulong.

church patriach giving blessing

Marami pang tao ang sumapi sa Simbahan. Sinabi ni Jesus kay Joseph na pumili ng karagdagan pang pinuno para samga Banal. Sinabi niya na ang ama ni Joseph ang dapat na maging Patriyarka ng Simbahan. Ang Patriyarka ang magbibigay ng mga pagbabasbas sa mga Banal. Siya ay may Pagkasaserdoteng Melquisedec.

Joseph meeting with high council

Sinabi ni Jesus kay Joseph na pumili ng labindalawang kalalakihan na magiging matataas na tagapayo. Sila aykalalakihang may Pagkasaserdoteng Melquisedec. Sila ay tumutulong sa mga Banal na malaman kung ano ang tama at kung ano ang mali.